Chapter 47 ( PAST Donor )

0 0 0
                                    

                              Bea POV

Simula ng tagpo naming iyon ni Cab ay hindi mas lalo na itong lumalayo sa akin na siyang ikinalulungkot ko. Sana di na lang tayo naging mag asawa at bumalik na lang sa dati, kasi mas ramdam ko don na mahalaga ako sayo.

" Lalim ng iniisip mo ah, nasa mars na ba tayo?" pabirong tanong ni April sa akin.

" Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko dito.

" Oo, kanina pa kita nakikita ma'am na tulala diyan" tugon naman nito.

Sa ilang araw na walang kibuan kami ni Cab ay mas lalong napapalapit naman ako kay April na siyang lagi kung kausap dito sa bahay.

" About na naman ba ito kay Sir?" tanong nito kaya napalingon ako sa kaniya" Sabi na eh" napatango tango na wika nito.

" Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Malapit na ang alis ko papuntang Canada pero hanggang ngayon wala pa rin kaming kibuan ni Cab" wika ko dito.

" Hayss, di ko nga alam kung bakit ganun si sir eh. Nakakaya niyang baliwalain ka na asawa niya? Kakaiba, nakakapagtaka" wika nito habang hinahawakan ang nguso nito" Di kaya may babae si sir ma'am? "tanong nito na siyang ikinalingon ko sa kaniya."

" Impossible naman yata yun. Kilala ko si Cab at alam ko na hindi niya gagawin ang ayaw nang papa niya" saad ko dito.

" Masyadong defensive ka naman ma'am. Marahil oo, or hindi dahil di naman natin alam ang takbo ng isip ng tao. Kahit na sabihin na sayo siya umuuwi, pero ang tanong? Saan siya galing?" tanong nito sa akin na siyang ikinalakas ng kaba ko

" Tama na nga yan, kung saan saan na naabot ang topic natin eh" pag iiba ko dito.

" Ma'am, di naman iba ang usapan na yan eh. Marami nang ganyan na nangyayari ngayon. Kaya ma'am, payong kaibigan na din. Kung nahahalata mo na may iba sa asawa mo, na kung iba ang lakas ng kutob ng puso mo ay paniwalaan mo na dahil mas malakas ang instinct ng asawa kesa sa lalaki" wika nito.

Nagulat na lang ako ng tumunog ang phone ko.

" Sagutin ko lang itong tawag" paalam ko dito.

" Sige ma'am, babalikan ko lang ang ginagawa ko sa kitchen" paalam din naman nito " Hello" bungad ko kay Koko.

" Pwede mo ba akong samahan ngayon? May eh memeet kasi ako and I need your help" saad nito sa akin.

" Sige, dadating ako diyan. Send mo na lang sa akin ang location" wika ko dito.

" Sige" saad nito hanggang sa mamatay na ang tawag.

" Hindi ka aalis ngayon" wika ng nasa likod ko kaya gulat akong napalingon dito.

" Cab? Kanina ka pa ba?" tanong ko dito sa gulat.

" Yes, and I heard everything you said. Hindi ka aalis dahil may lakad tayo. And I need your presence there dahil asawa kita" wika nito saka agad na naglakad paakyat.

" Bakit di na lang iba ang isama mo?" tanong ko dito dahilan para mapahinto ito " Bakit di na lang ang assistant mo? total siya naman lagi ang sinasama mo sa mga lakad mo. Why now? Bakit ngayon kung kailan may kailangan akong puntahan ay doon mo naman ako isasama?" takang tanong ko dito.

" Bakit ba ang dami mong tanong? Kung ayaw mo edi wag!" saad nito sa akin.

" Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? When in fact ako dapat! Kasi sa totoo lang nakakasawa na Cab, nakakasawa nang pagtakpan ka. Ilang araw kang wala dito sa bahay. Ilang araw kang hinahanap at tinatanong sa akin ng mga kamag anak mo. Pero wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung saang lupalop ka galing! Tapos ngayon, susulpot ka at pipigilan ako? Oh come on, be fair naman! " inis na wika ko" Tapatin mo nga ako, may babae ka ba? Kasi kung oo, mabuting sabihin mo na hanggang kaya ko pa para agad kitang pakawalan sa kung saan ka masaya. Para lang kasi akong asawa mo in tittle na inuuwian mo lang tuwing pagod ka tapos aalis ka na sa umaga. Palaging ganyan ang scenario natin eh. Di ko na alam " dagdag ko saka lumayas na doon.




  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon