Chapter 44 ( COLD Treatment )

0 0 0
                                    

                    Bea POV

Simula ng umuwi si Koko dito sa probinsiya ay madami na kaming pinagsamahan muli. Masasabi ko na nagiging daan siya upang hindi ko maiiwasan na di maging malungkot dahil hindi nakauwi si Cab dito sa bahay.

Ilang araw ko nang hinihintay na tumawag man lang ito sa akin, dahil simula ng lumuwas ito ng baguio ay wala akong narinig mula sa kaniya.

" Tulala ka na naman diyan?" tanong sa akin ni Koko na kagagaling lang sa kitchen.

" May naalala lang" tugon ko naman dito.

" Tungkol ba yan sa asawa mo?" tanong nito kaya napatango na lang ako.

" Ilang araw na din kasi akong walang natatanggap na balita mula sa kaniya. Tinanong ko na naman si Travis about sa kaniya pero maging ito ay walang alam kung nasan man siya" tugon ko dito.

" Baka naman ay uuwi din yun, atshaka ikaw ang asawa. For sure uuwi yun sayo" saad nito " Kaya lika na, nakahanda na ang makakain natin" aya nito kaya tumayo na lang ako sa sofa saka lumapit sa kaniya.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa gawi ni Koko ng bigla na lang may nag doorbell kung kaya ay nilingon ko ang pinto.

" Gusto mo ako na ang magbubukas?" tanong nito kaya hinayaan ko na lang ito.

Nagtungo na lang ako sa dining at nakita ang mga hinanda nito, hindi ko naman mapigilan na di mapangite dahil lahat ng niluto nito ay mga paborito ko. Kilala talaga ako nun.

Pero nagtaka naman ako na ang tagal bumalik nito kaya nagtungo ako sa sala at hindi ko inaasahan na uuwi na pala siya.

" Cab" gulat na wika ko.

" Yeah, hindi ka man lang nagsabi na dadating pala ang bisita mo. Edi sana hindi na muna ako umuwi" cold na wika nito" Akyat na lang ako sa taas " dagdag nito habang di na tumitingin sa akin.

Bigla na lang akong nasaktan sa inaakto nito sa akin ngayon.

" Ok ka lang? "tanong sa akin ni Koko.

" Oo, ok lang ako " wika ko dito.

" I know your not, aalis na lang ako. Baka kasi mag iba na naman ang pakikitungo nito sayo kapag nagtagal pa ako dito. Basta kumain ka ok? "wika nito kaya napatango na lang ako" I gotta go " paalam nito saka agad na kinuha ang damit niya sa mesa at saka nagtungo sa pinto.

I feel bad dahil hindi ko man lang pinakain ang nagluto ng umagahan sa akin.

Fastforward

Habang nagdidilig ako ng halaman sa hardin ng makita ko na lumabas si Cab kung kaya ay tinawag ko ito.

" Cab" wika ko ito dahilan para mapahinto ito " Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko dito.

" What for? Make sure na importante yan dahil may lakad pa ako" saad nito sa akin.

" Galit ka ba sa akin? Hindi ko alam kung bakit nagiging cold ka na sa akin mula ng bumalik ka galing sa trip mo. Ano bang ikinagagalit mo sa akin? Sabihin mo naman para naman alam ko kung bakit" saad ko dito.

" Ok! bakit di mo sinasabi sa akin na may ibang lalaki ka na palang binabahay huh? Ni wala man lang akong tawag na natatanggap mula sayo. Na parang masaya ka pa na wala ako dito sa bahay dahil madadala mo na ang lalaki mo" wika nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

" Ano? Hindi ko lalaki si Koko, besides kaibigan natin siya mula bata pa tayo diba ? Hindi mo ba siya naaalala? Yung batang lalaki na -" bigla naman itong umawat.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now