Chapter 31 ( Birthday / Meeting him AGAIN )

0 0 0
                                    

                                 Bea POV


Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si lomo na abala sa pagdidilig ng mga gulay at halaman kaya nilapitan ko na lang ito.

" Good morning lomo ang aga nating nagising ahh" saad ko dito.

" Apo ikaw pala mabuti at gising ka na" wika nito.

" Oo magluluto ka-" hindi na ako pinatapos nito ng nagsalita ito.

" Apo hindi na kailangan kumain ka na lang doon" saad nito sa akin.

" Huh? Eh magluluto pa ako lomo" saad ko dito na nagtataka na.

" Apo hindi na kailangan kasi nakaluto na si Clar" wika nito na mas lalong ikinalaki ng mata ko.

" Po? Ano-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa amin mula sa likod ko.

" Kumain na tayo naluto na ang niluluto namin" saad ni best kaya gulat na gulat akong napalingon sa loob.

Bat di ko man lang napansin na nasa loob pala sila. Kahit na nagtataka ay naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin ni lomo kaya doon na ako natauhan.

Inaya naman akong pumasok ni lomo sa loob kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok doon. Haggang sa makarating kami sa dining. Halos manlaki ang mata ko sa nakikita ko.

" What is happening here?" gulat na tanong ko.

" Best nakalimutan mo na ba talaga kung anong meron ngayon?" tanong ni clar sa akin kaya napakunot na lang ang noo ko.

" Oo, wala naman akong maalala kung anong meron ngayon eh" wika ko dito.

Nagkatinginan naman silang tatlo dahil sa sinabi ko. Meron ba talaga akong maalala ngayon? Nagulat na lang ako ng ngumite ang mga ito at sabay na nagwika nang.

" Happy Birthday" wika ng mga ito sabay labas ni ben ng cake na may candle.

Hindi ko inaasahan na maalala pa pala nila ang araw ko ngayon kasi ako hindi na yata. Kasi wala na akong ganang mag celebrated ng birthday ko. Hindi kasi ako sanay lalo na at sina ina at ama ang laging naghahanda sa akin nito.

" Ouh bat hindi ka masaya? May naalala ka ba?" tanong ni best sa akin.

" Ahm nagulat lang ako kasi naalala niyo pala ang kaarawan ko. Nag abala pa kayo salamat" nakangite na wika ko.

" Naku ano ka ba beh, walang anuman yun. At isa pa mahalaga at mahal ka namin. Kaya hindi pwedeng dumaan ang isang araw na hindi natin macecelebrate ang kaarawan mo" saad ko dito.

" Oo nga best, kaya ano pa ang hinihintay mo make a wish" saad ni clar.

Hanggang sa bigla na lang rumehistro sa akin ang pangyayari namin ni hon sa tuwing nakakakita kami ng shooting star.

" Apo mag wish ka na. Ano nga ba ang hiling mo sa kaarawan mo?" tanong sa akin ni lomo sa akin.

" Oo nga kanina pa kami naghihintay sa wish mo" saad ni best.

" Hindi ko naman na kailangan ang humiling eh dahil kasama ko kayo. Kahit na wala na ang ibang mahal ko sa buhay ay nandito pa din kayo. Kaya masaya na ako, salamat sa inyo" nakangite na wika ko saka agad na nag blow ng candle.

" Yehey happy birthday best" wika ni clar kaya ngumite ako dito at niyakap siya.

" Sige na kumain na tayo" wika ni ben kaya agad na kaming umupo sa table.

  " Tree Of Love " Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora