Chapter 37 ( Wedding )

0 0 0
                                    

                         Bea POV


3 weeks later

Ilang araw na ang nakakalipas since nailibing si tita. Madami na din ang nangyari simula non. And now ay abala na ang lahat sa magaganap na kasal bukas. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Being the bride I wanted to be before na akala ko hindi na matutupad. But now kung kailan hindi ako umaasa ay siya namang dumating sa akin ng kusa.

Ang saklap talaga maglaro ng tadhana. Pinaglalaruan ka sa hindi inaasahang pagkakataon at pinaglalaruan ka sa kung paanong alam nitong talo ka.

" Kanina pa kita nakikita na napapabuntunghininga diyan" napalingon naman ako sa likod ko and I saw tita.

" Kailan ka pa nakauwi tita?" tanong ko dito saka nag beso beso dito.

" Kanina lang anak, hindi kita inabala kanina dahil alam ko na abala ka" saad nito sa akin.

" Hindi naman ako ganun kaabala since sila naman ang nag prepared ng lahat. Wala nga akong ginagawa dito eh " saad ko dito.

" Aba dapat lang na mag beauty rest ka anak para naman ay maganda at fresh ka bukas" nakangite na wika nito.

" Hayss tita" tawag ko dito.

" Ano yun?" tanong nito.

" Kailan mo ba nalaman na si tito na talaga ang para sayo?" dagdag na tanong ko dito.

Napalingon naman ito sa akin at ngumite.

" Well masasabi mo naman na mahal na mahal mo at siya na talaga ang makakasama mo habang buhay dahil bigay siya ng Ama. Anak ang kasal ay hindi isang biro. Isang napakalaking papel na mahirap ng takasan ng mga taong sumusuko sa isang paghihirap lang. Kaya anak tanong ko ulit sayo. Papayag ka na ba talaga? I mean handa ka na ba talaga? " tanong nito.

Napaiwas naman ako ng tingin dito.

" Naka oo na ako dito tita. At halos lahat ay handa na ayaw ko naman na magmukhang tanga si Cab sa lahat ng taong dadalo sa kasal at mas lalo nang maging masama ako sa paningin ng lahat " tugon ko dito.

" Sabagay tama ka anak. Hindi naman siguro mahirap sayo na matutunan na mahalin si Cab diba? Lalo na at  siya na ang magiging asawa mo simula bukas. And I am sure kung nagawa mo siyang mahalin noon baka madali mo lang din siyang mahalin ulit ngayon" payo nito sa akin.

" Sana nga tita, sana nga. Kasi hanggang ngayon si Hon pa rin ang mahal ko. Siya pa din ang nasa puso ko" wika ko dito.




                             Cab POV


Hindi ko naman mapigilan na hindi maging malungkot sa narinig ko mula kay Beng. Alam ko na napipilitan lamang siya ngunit hindi na pwedeng bawiin pa ang kasal na magaganap bukas.

" Bads kanina pa kita hinahanap. Alam mo naman na bawal makita ng groom ang bride nito bago ang kasal. Kasi isa yan sa pinaniniwalaan ng mga ninuno natin" paalala nito sa akin.

" Hayss, hindi na uso ang ganyan ngayon bads. Nasa new generation na tayo kaya hindi mangyayari yun" saad ko naman dito.

" Naks ikakasal na daw siya ouh. Hahahaha, ano ang feeling ng maging isang groom? And mostly ano ang feeling ng ikakasal ka sa babaeng sinasabi mo noon na hanggang kapatid lang ang tingin mo sa kaniya? But now ikakasal ka na sa kaniya. Hayss, masaya ako para sa inyo at bet ko na ang tadhana ngayon " wika nito sa akin sabay tapik.

" Young master may naghahanap sa inyo " wika nito sa akin.

" Sige Lorna susunod ako " saad ko dito.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now