Chapter 56 ( Biological Mother )

0 0 0
                                    

                         Trice POV



Habang abala ako sa paghahanda ng makakain ng anak ko ng may magwika sa likod ko nang.

" Gising ka na pala" bungad sa akin ni Dindi.

" Oo. Naisip ko kasi na lutuan ang bata" tugon ko naman dito habang patuloy sa ginagawa ko.

" Kumusta na siya?" tanong nito kaya napahinto naman ako sa ginagawa ko.

" Hayon malungkot pa din. Alam ko kasi na masakit para sa kaniya ang mawalan ng ina at galit pa ang kambal nito"  malungkot na wika ko.

" Alam kung mawawala din ang galit ng kapatid niya sa kaniya. Dala lang siguro ng pain ng pagkawala ng ina nito kaya nasabi niya sa kapatid niya ang bagay na yun" saad naman nito sa akin.

" Tama ka" sang ayon ko na lang dito.

" Akyatin ko na lang para makababa na din at makakain" paalam nito.

" Sige" tugon ko.

Habang inaayos ko ang mga pagkain sa dining ng makatanggap ako ng tawag.


Diane Calling



" Hello sweetie?" bungad na tanong ko dito.

" Mommy are you busy today?" agad na tanong nito.

" Nope. Why?" balik ko dito.

" I just wanted to take you. I have my photoshoot today and mom can't be with me" saad nito sa akin.

" Alright sweetie pupunta kami ng kapatid mo" nakangite na wika ko dito.

" Really? Thank you mommy" tuwang wika nito.

" Your welcome sweetie" wika ko naman dito.

" Mukhang mas napapalapit ka sa bata ahh" wika ng nasa likod ko.

" Ikaw pala Tita" tugon ko dito" Hindi na din iba sa akin si Diane sa akin na siya lumaki" wika ko dito.

" Yeah, kaya mas kilala mo siya kesa sa anak mo na si Trill?" tanong nito.



                          Trill POV



Pababa na ako ng hagdan ng may marinig ako na nag uusap.

" Oo. Mas kilala ko nga si Diane kesa sa anak ko. At masasabi ko na magkaiba nga silang dalawa" rinig kung wika ni mama na siyang ikinahinto ko.

" Kaya mas madali kang napapayag ng bata na samahan siya?" tanong ni lola dito.

" Alam ko kasi na kailangan din ako ng bata" saad naman ni mama dito.

" Pero kailangan ka din ng anak mo Trice" wika ni lola dito.

" Alam ko yun tita. Kaya lang di kasi ako makahindi sa bata" saad ni mama dito.

" Hindi? Di bat mas kailangan ka ng anak mo ngayon?" tanong ni lola dito.

" Isasama ko naman si Trill eh" tugon ni mama dito.

" Pero paano kung hilingin ng anak mo na kayong dalawa lang?" tanong ni lola dito.

" Oh Trill bakit di ka bumaba?" tayong ni ate Dindi sa akin.

" Dito na lang po ako wala po akong gana na kumain" saad ko dito saka agad na bumalik na lang sa taas.




                          Trice POV



" Oh Dindi nasan na si Trill?" tanong ni tita sa kakarating lang.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now