Chapter 35 ( His Mother's Wish )

0 0 0
                                    

                         Bea POV



Simula nang mangyari ang mga bagay na yun ay mas lalong nagtataka ako kung bakit pumayag siya sa kasal. Nabalik lang ako sa realidad ng may nagsalita sa likod ko.

" Miss Bea may bisita ka po" wika sa akin ni neneth.

" Bisita?" takang tanong ko dito.

" Opo, naghihintay po siya sa may sala" wika nito.

" Sige, papuntahin mo na lang dito sa garden" utos ko dito habang abala sa pagdidilig ng halaman.

" Masusunod Miss" sang ayon nito at agad na umalis.

Kaya nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko hanggang sa hindi ko inaasahan na madudulas pala ako dahil sa natapakan ko ang gripo akala ko mahihiga na ako sa damuhan pero isang bisig ang siyang sumalo sa akin kaya taka akong napalingon dito at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

" Mabuti na lang at naging alerto ako at nasalo kita" saad nito sa akin kaya doon lang ako nabalik sa sarili ko at umayos ng tayo.

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

" I came here, para pag usapan ang tungkol sa kasal" saad nito na siyang ikinalingon ko sa kaniya na may pagkagulat.

" Kasal? Kailangan mo ba talagang magmadali? At isa pa hindi pa ako pumapayag sa kasal na yan. Kaya hindi natin kailangan na pag usapan ngayon ang bagay na yan" saad mo dito at saka tinalikuran ito.

" When will be the time for that? It's the last wish of our grandparents na ka-" pinutol ko naman ito.

" Yeah alam ko yun, hindi mo na kailangan na ibalik pa. At isa pa hindi ako papayag sa kasal na yan. Iba na ngayon Cab kung noon pangarap ko na makasal sayo pero ngayon hindi na. Mga bata pa lang tayo noon at alam naman natin na may kaniya kaniya na tayong desisyon ngayon kaya hindi na natin kailangan na gawin ang mga bagay na alam naman natin na hindi natin makakaya " mahabang wika ko dito.

" Yeah tama ka, iba na nga ngayon. Iba na ngayon kasi kaligayahan at kapanatagan ang magagawa nito sa mga namatay nating mga lolo. Alam ko na di madali ang bagay na ito but we need to do this " wika niya sa akin.

" Then tell me bakit ka pumayag sa bagay na ito? Aside sa ito ang hiling ng mga lolo natin? Bigyan mo ako ng isang bagay na siyang magpapaunawa sa akin. Kasi Cab naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung bakit pumayag ka sa kasal na yan? Hindi mo ba naisip na masasaktan mo ang babaeng mahal mo? How about your girlfriend ? Paano ang relasiyon niyong dalawa? Ano? Hindi mo ba naisip ang bagay na yun? Ayokong makasira ng isang relasiyon, kung tutuusin pwede naman na mabaliwa ang kasal eh. Pero ang guilt na mararamdaman ko sa oras na makasal tayo ay nandito at mananatili lang dito " wika ko sa kaniya.

Nakita ko naman na nagbago ang expression niya kaya nagtaka ako.

" We broke up " saad nito na siyang ikinagulat ko.

Naghiwalay sila?

" Ano? " tanong ko dito.

" Hindi niya tinanggap ang proposal ko na magpakasal. At nais na ni mama na makasal ako bago man lang siya mawala sa mundo. And she wants you to be my wife " saad nito sa akin " Tama ka, I should not say this to you at pilitin ka na magpakasal tayo kaya wag kang mag aalala hindi ko na din lang tu- " hindi ko naman ito pinatapos at napabuntunghininga.

" Fine, pumapayag na ako. Let's get married " saad ko sa kaniya and then I saw him na nagbago ang expression nito.

Kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Sana tama ang decision ko na ito.


  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now