Chapter 29 ( A Dream Of YOU )

0 0 0
                                    

                            Bea POV


Nagising ako nang nasa isang lugar ako kung saan doon ko sinagot si hon. Nagtataka ako kung bakit napadpad ako dito gayong wala akong maalala na pumunta ako dito.

" Bea" rinig kung tawag sa akin.

Agad naman akong napalingon sa likod ko at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

" Hon?" tanong ko dito.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil halo halo na ang mga ito. Ngunit isa lang ang alam ko I wanted to hug him and feel him by my side again. Kaya nakita ko na lang ang sarili ko na tumakbo sa gawi niya at niyakap ito ng mahigpit.

Naramdaman ko din naman ang pagganti ng yakap nito. Kaya mas lalong niyakap ko siya ng mahigpit ilang buwan ko din inantay na mayakap at maramdaman siya ulit. Since lumisan lang siya ng hindi ko siya nayayakap.

" Hindi naman halata na namimiss mo ako hon ano?" pabirong tanong nito.

Kaya kumalas na lang ako dito at pinalo siya ng mahina sa dibdib nito. Natawa naman ito sa ginawa ko.

" Nakakainis ka alam mo yun. Lumisan ka man lang na di mo sinasabi sa akin na iiwan mo na talaga ako ng tuluyan " wika ko dito.

Heto na naman ang mga likido na tumutulo sa mga mata ko napansin niya naman ito kaya pinunasan niya ito ng mga kamay niya.

" Ayan ka na naman umiiyak ka na naman. Hon wag mo naman saktan ang sarili mo sa pamamagitan ng mga luhang pumapatak sa mga mata mo" saad nito sa akin.

" Ngunit paano ako hindi masasatan at iiyak kung walang hon ang nasa tabi ko. Hindi ako sanay na wala ang presensiya mo sa tabi ko hon, araw araw, oras oras ay nangungulila ako sayo" naiiyak na wika ko dito.

Hanggang sa muli kung naramdaman ang yakap nito sa akin kaya mas lalong napaiyak ako.

" Hon, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak ng dahil sa akin. Alam kung naninibago ka na wala na ako sa tabi mo maging ako. Ngunit ito na ang kapalaran nating dalawa. Ito na ang landas na kailangan nating tahakin. Masakit man ang salitang paalam ngunit balang araw maiintindihan mo din iyon. Gustuhin ko man na manatili sa tabi mo habang buhay ngunit sadyang hindi tayo ang nakalaan. Tinanong ko na si tadhana kung bakit di ako ngunit ang sagot niya lang sa akin ay masyado lang daw akong gwapo " nakangite na wika nito.

Kaya imbes na pumatak ang luha sa pisnge ko eh parang bumalik ata natawa na lang ako sa sinasabi nito.

" Ouh ayan tumatawa ka na. Effective talaga ang kagwapohan ko hon " proud na wika nito.

" Hayy naku hon maging sa kabilang buhay ay dala mo pa din ang pagkamahangin mo" saad ko dito.

" Mahal mo naman" wika nito.

Kaya seryoso naman akong napalingon dito.

" Sobra" saad ko sa kaniya kaya nakita ko na lang na ngumite ito at pinisil ang ilong ko.

" Salamat hon, salamat sa pagmamahal. Ngunit sa huling pagkakataon may ipapakita ako sayo" saad nito na siyang ikinapagtataka ko.

" Ano naman?" tanong ko dito.

" Pumikit ka" utos nito kaya sinunod ko na lang " Ngayon ay idilat mo ang mga mata mo" utos nito kaya sinunod ko ulit.

At hindi ko inaasahan ang makikita ko ang ganda ang daming mga bulaklak ang nagkikinangan at mga magagandang mga paro paro na nagsisiliparan.

" Nagustuhan mo ba?" tanong nito na nakangite.

" Oo ang ganda hon" tuwang wika ko dahilan para mayakap ko siya " Salamat" magiliw na wika ko.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now