Chapter 57 ( Burial )

0 0 0
                                    

                           Echo POV

Libing

Ilang araw na mula ng mangyari ang di namin inaasahan na mangyari. Here we are nagluluksa pa din sa pagkawala ng ina ng mga anak ko. Masakit mang isipin na maaga niya kaming iniwan lalo na ang mga bata ay alam ko na mas panatag na ito sa kung saan man siya ngayon.

" Anak" wika sa akin ni mama na nasa tabi ko na pala.

" Bakit Ma?" tanong ko dito.

" Alam kung lately ay di naging maganda ang pakikitungo ng ama mo sa iyo dahil sa nangyari sa anak namin. Hindi din kasi madali sa amin na tanggapin na wala na talaga siya. Kaya we're very sorry" malumanay na wika nito sa akin.

" Ok lang yun Ma. Ang mahalaga ay ok na tayo ngayon lalo na at ito na ang araw na ililibing natin si Hon" pilit na ngite ko dahil hanggang ngayon ay di pa din lumalabas ang ngite na siyang ipinapakita ko sa lahat.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin kaya gumanti na lang din ako.

                            Trice POV

Kasalukuyan akong nandito sa malayo dahil alam ko na hindi ako nais makita ng anak ko doon na makilibing sa Mommy niya.

" Bat dito ka lang?" tanong sa akin ni Ba.

" Mas mabuti na dito na lang ako. Baka kasi hindi din maging maganda ang pagtungo ko doon" tugon ko dito.

" Hayss nakakalungkot lang. Kung kailan alam mo na ang totoo ay ito pa ang magiging hadlang upang malayo ang loob ng bata sayo. Lalo na at mas mahal niya ang kinalakihan niyang ina kesa ikaw na totoo niyang ina" iling na wika nito.

" Yun na nga eh. Buong gabi na inisip ko kung makakaya kaya akong tanggapin ni Cammy bilang totoo niyang ina? Kasi nakikita ko na sinisisi niya din ako kung bakit di naging maganda ang pagsasama ng dad niya at ni Candice" malungkot na wika ko.

Napatingin na lang ako ng makita ko na nagsiiyakan na ang mga dumalo sa libing nito. At mas lalong nasaktan ako ng makita ko si Cammy na sobra ang pag iyak ng unti unti nang tinatabunan ng lupa ang kabaong ng mommy niya.

Akmang aalis na sana ako doon ng may tumawag sa akin.

" Mama?" wika ni Trill sa akin kaya napalingon naman ako dito.

" Trill anak" tugon ko dito.

At dito ko lang naramdaman ang yakap nito sa akin kaya niyakap ko din ito pabalik.

" Bat di ka nagtungo doon?" takang tanong nito sa akin.

" Baka kasi ay ayaw akong makita ni Cammy. Baka maging masama na naman ako sa paningin ng kapatid mo" tugon ko dito.

" Umuwi na lang tayo mama" aya na lang nito sa akin kaya napatango na lang ako dito.

Kaya naglakad naman kami patungo sa kotse. Agad ko naman na pinapasok si Trill kaya akmang susunod na din ako ng may nagsalita sa likod ko.

" Bakit ka nandito? Talagang nagsasaya ka ngayon dahil wala na ang mommy ko? Ikaw ang dahilan kaya hindi na naging maayos ang pagsasama nila ni dad. Ang sama mo! " sisi nito sa akin na siyang ikinagulat ko.

" Cammy" tanging nasambit ko.

" Stop calling me by my name. Di kita close! At mas lalong di kita gustong makilala at makalapit. You destroyed my family. Your a home wrecker" sisi nito sa akin na siyang ikinalaki ng mata ko sa sinabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now