Chapter 27 ( A Final Goodbye )

0 1 0
                                    

                                    Bea POV



Burial Day


This is the final wave na kung saan kailangan ko na talagang harapin ang katotohanan at hangganan. Masakit man sa kalooban ngunit kinakailangan kung tanggapin na  hanggang dito na lang talaga. Kahit anong gawin kung kumapit ngunit ang tadhana na talaga ang naglalayo sa aming dalawa. Ang sakit sakit kasi, hindi ko na siya makakasama at mahahawakan pa.

" Anak handa ka na ba?" tanong sa akin ni tita.

Kasalukuyan kaming nandito sa kotse habang nakikita ko na padami na ng padami ang mga taong nakikilibing.

" Hindi ko alam tita kung kaya ko ba. Kasi pakiramdam ko parang hindi ako makahinga habang makikita ko siyang unti unting ibinababa at tinatabunan ng lupa" saad ko dito.

Pinipilit kung hindi maiyak para hindi mas lalong mamaga ang ilalim ng mata ko sa kakaiyak.

" Kung handa ka ng bumaba diyan, puntahan mo lang kami ok? Hihintayin ka namin" saad nito kung kaya ay napatango na lang ako.



                               Lissa POV


Natatanaw ko na si mom na naglalakad patungo sa amin. Nagsisimula na kasi iyong last message ng pamilya para kay Stone kaya tinitingnan ko kung bababa si Ba sa kotse.

" Mom, how is she?" salubong na  tanong ko dito.

" Hindi pa niya kaya, wag na muna nating pilitin. Di din kasi madali para sa kaniya. Lalo na ito na ang huling araw na makikita niya si stone" tugon nito sa akin.

Kaya muli na lang akong napabalik ang tingin doon aa nagsasalita sa unahan. Mga ilang tao na din ang nagkwento tungkol sa pinagdaan nila na kasama si stone. Akala ko wala nang magsasalita ngunit nagulat kami ng may biglang nagsalita sa unahan na akala ko hindi siya magbibigay.



                           Bea POV


" Alam ko na saksi kayo sa mga pinagdaan at pinagsamahan namin ni stone. Halos lahat naman yata tayong nandito ay saksi sa kung sino at ano siya kung makitungo sa mga tao. Isa na ako sa mga taong yun, actually hindi ko talaga inaasahan na paglalaruan kami ng tadhana. Nagkakilala kami dahil sa isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagpabago ng buhay ko. Isa ako sa mga babaeng alam kung ni minsan ay hindi kailanman paglalaanan ni stone ng atensiyon dahil na rin sa magkaiba ang mundo na nauugnay sa amin. Pero ang mundong yun ang naging daan para pagbukludin kami ng tadhana. Isa sa mga daan kung bakit mas lalong napalapit kami ni stone sa isat isa ay yung tungkol sa deal namin. We made a contract na alam kung hindi alam ng karamihan except sa mga pamilya naming dalawa.

Nagpanggap akong fake gf ni Hon para lang mapasaya ang grandparents niya. Kasi simula pa noon walang babaeng pinakilala si stone sa pamilya niya. At first wala lang sa akin ang bagay na yun kasi wala naman akong nararamdaman para sa kaniya that time. Masyadong occupied ang puso ko nong time na yun para tumingin sa iba. But suddenly everything change in a sudden. Natutunan kung mahalin si stone nang hindi ko namamalayan. Kasi naman hindi natin alam kung paano magmahal ang tinaguriang Ice Stone King. Pero I am lucky kasi ako mismo ang unang babaeng nakakaalam kung paano siya magmahal " mahabang wika ko sa mga ito.

Nakikita ko naman na napapangite si tita habang umiiyak. Maging ang lahat ng nakikinig. Hanggang sa bumalik sa akin ang lahat ng araw, oras, buwan na nakasama ko siya.

" Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang bumangon after kung mawalan ng isang masasandalan. Si Hon yung klase ng tao na na sweet, responsible at mapagmahal. Behind those mask of him is a sweet and loving boyfriend.  Isa sa memorable na pangyayari sa buhay ko ay yung araw na nag proposed siya sa akin, yung araw na sinabi ko sa kaniya ang mga katagang nais niyang marinig and maging ako. Bilang fiance ni stone ay isang karangalan na alam kung lahat ng babae ay hinahangad, kaya maswerte ako hindi dahil sa nabingwit ko siya kundi maswerte ako kasi, I saw how sweet he is at kung paano siya magmahal. Hindi ko na mabibilang ang mga salitag nais kung sabihin sa kaniya. Kasi hindi na kaya ng puso ko na ibunyag ang lahat nang yun dahil na din sa dami nang nais kung sabihin sa kaniya. Ngunit ang alam ko lang na nais kung marinig niya na hindi niya man lang narinig sa akin bago siya lumisan ay ang katagang " I love you hon, always. Kahit na wala ka na nandito pa din ang puso ko na nagmamahal sayo. Hindi man tayo magkasama ngayon pero alam kung dadating ang araw na magsasama din tayong dalawa. Salamat sa mga araw at buwan na lagi kang nandiyan sa tabi ko. Mahirap mang sabihin ngunit, paalam " dagdag na wika ko saka ibinigay sa babae ang mic at lumayo doon.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now