Chapter 50 ( Sweet Goodbye )

0 0 0
                                    

                             Bea POV

Sa ilang araw na nananatili ako dito sa Canada ay mas lalong napapalapit ang loob ko kina Carl at sa pamilya nito which is pamilya ko din. Nalaman ko na din ang iba pang mga namana ko mula kay Ama. Mas lalong nagkakaroon ako ng bonding sa pamilya ko na mula kay ama. Ilang places na din ang napuntahan namin dahil na din sa tour guide ko na si Carl.

Ngunit hindi pa din nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Audrey mainit pa din ang dugo nito sa akin. Pero hinahayaan ko na lang pasasaan pa at makukuha ko din ang loob ng batang yun. At si Clint? Ayon patuloy pa din ang pangungulit sa akin kesyo ganyan, ganito. Pero nakikita ko na mabait naman pala talaga siya at nakita ko na mismo ang mga ugali niya.

" Kanina ka pa tulala diyan? Anong meron?" tanong sa akin ni Carl.

" Wala, naiisip ko lang ang mga days na nananatili ako dito. 1 week na din pala ang nakakaraan" nakangite na wika ko dito habang nakatingin sa building ng company.

" Oo nga eh, ang bilis lang talaga ng panahon. Hindi mo ba namimiss ang asawa mo?" tanong nito na siyang ikinalingon ko sa kaniya.

" Namimiss, lalo na at bago pa lang din kami nagkabati ulit" saad ko dito.

" Gangan talaga ang may asawa" saad nito kaya napalingon ako sa kaniya.

" Bakit? Nagka asawa ka na ba?" tanong ko dito kaya napaiwas naman ito ng tingin sa akin.

" Before, ang kaso sinayangan ko lang. Huli ko nang namalayan na mahal ko pala talaga siya kung kailan nasa piling na siya ng iba" malungkot na wika nito kaya tinapik ko naman ito.

" Nasasaktan ka man ngayon ngunit may dadating na magpapasaya sayo " paalala ko dito.

" I hope so" kibit balikat na wika nito.


                             Cab POV

" Sir ito na po ang mag materyales ng bagong dating lang" saad sa akin ni mang Pablo.

" Salamat Mang Pablo paki lagay na lang yan doon sa ibang materials na gagamitin sa pagpapatayo nitong building" saad ko dito.

" Sige sir" wika nito saka agad na umalis.

" Pare nandiyan ka lang pala" saad ni Charles sa akin na kakarating lang.

" Bakit?" tanong ko dito.

" May sasabihin sana ako sayo" wika nito kaya hinayaan ko lang ito saka agad na nilingon ang ginagawa ng mga trabahador.

Ngunit napadako ang tingin ko sa gawi ni Diane ng mapansin ko na babagsak ang isang sement kaya agad akong tumakbo sa gawi nito.

" Diane" tawag ko dito kaya napalingon ito sa akin.

Ngunit bago pa man mabagsakan ito ay agad ko na itong nahila saka doon ko lang napansin na nakadagan pala ito sa akin. Ngunit ang di ko inaasahang ng magtama ang mga mata namin at ang pagpintig ng puso ko. Napabalik lang ako sa realidad ng madinig namin ang mga nagbabagsakan.

" Pare" tawag sa akin ni Charles kaya agad naman na tumayo si Diane.

" Salamat" wika ko kay Charles.

" Cab salamat" saad sa akin ni Diane.

" Wala yun, baka maging alalahanin pa kita. Alam ko na magtatampo si Beng kapag nalaman niya na hinayaan kita" tugon ko dito.

Nakita ko na lang ang pagtango nito.

" What happened?" takang tanong ni Ben na kakadating lang din" Bakit nagbagsakan ang mga ito? " dagdag nito.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now