Chapter 42 ( Guilt )

0 0 0
                                    

                         Bea POV

Habang naglalakad ako pababa ng mapansin ko na nakatalikod si Cab sa akin sa tuwing pinipilit ko na lumingon sa kaniya.

" Anyare sayo?" takang tanong ko dito.

" Huh? Wala ito" giit naman nito saka pilit na tinatago sa akin ang mukha nito.

Kaya dahil sa dakilang pakialamera ako ay hinila ko ito saka iniharap sa akin ang mukha nito.

" Ano bang meron sa mukha mo at pilit mo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko mismo ang mukha nito.

Hindi ko naman mapigilan ang di matawa sa itsura nito. Mukha itong zombie at ang laki ng eye bag nito.

" Sige lang, tawanan mo lang ako" wika naman nito saka lumayo sa akin.

" Ano ba kasi ang nangyari sa mukha mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" tanong ko dito.

Napangite naman ako ng pilyo saka agad na pumunta sa harap nito at hawakan ng dahan dahan ang balikat nito dahilan para mapaigting ito sa gulat dahil sa ginawa ko.

" Or dahil sa akin? " seryoso na wika ko saka kinindatan ito dahilan para manlaki ang mata nito kaya mas lalo akong natawa sa reaksiyon nito saka tinapik ito " Parang di ka na nasanay Cab, magkatabi naman tayo noon ah. At isa pa, hindi bat magkatabi naman talaga ang mag asawa? Kaya sanayin mo na. Kasi from now on we will act as what do couple's do" saad ko dito saka naglakad na patungo sa kusina.

                            Cab POV

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Beng sa akin. Bakit ang seksi ng ginawa niya? para akong inaakit nito ng hindi ko makontrol ang sarili ko dahil sa ginawa nito.

" Anong gusto mong breakfast?" rinig kung sigaw nito galing sa kusina.

" Ahm, kahit ano" tugon ko na lang dito.

Wala akong maisip dahil sa ginawa nito nakatatak na yata sa isip ko ang ginawa nito. Kaya umiling na lang ako ng malakas baka sakaling mawala ang kung ano mang nangyayari sa akin.

Fastforward

Bar

" Bro bat ganyan ang mukha mo?" takang tanong sa akin ni Edward.

" Wala ito" saad ko dito saka ibinaling na lang sa iniinom ko ang tingin ko.

" Wala? Pero bakit ang laki ng eye bag? Hindi ka naman inano ng asawa mo ah. Tell me, may nangyari na ba sa inyo?" mapanuksong tanong nito sa akin.

" What?" nanlalaking matang tanong ko dito.

" Oo nga, baka hindi ka nakatulog" natatawa na saad naman ni Ed kaya sinamaan ko naman ng tingin ang dalawa.

" Wala pang nangyayari sa amin ni Beng. I respect her" tugon ko naman dito.

" Woah! Ikaw na ang dakilang gentlemen na asawa" wika sa akin ni Ed saka sabay tapik sa akin.

" Tssk, hindi ako kagaya mo na pagnilandi na ng babae eh bibigay agad. Naku tsong wag ako" saad ko dito.

Natawa naman si Simon sa sinabi ko. Ngunit napatingin ako sa phone ko ng isang message ang natanggap ko.   

From Bea

      What time ka uuwi? Kung kasama mo ang barkada mo go on, enjoy lang kayo. Ingat sa pag uwi, wag kang magmaneho ng lasing.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now