Chapter 46 ( Koko's Confession )

0 0 0
                                    

                                Bea POV

Kinabukasan

" Aalis ka na anak? Hindi ka ba muna mananatili dito ng ilang araw?" tanong sa akin ni tita.

" Oo nga Bea, para naman maka bonding ka pa namin" wika ni tito sa akin.

" Gustuhin ko man tita and tito. Pero baka isipin ni Cab na ayaw ko na sa bahay namin. At isa pa, magiging abala kasi ako sa kumpanya lalo na at kailangan ko na din bumalik at kunin ang iniwan ni Ama sa akin" tugon ko sa mga ito.

" Oo nga pala, bakit nakalimutan namin yun. O siya mag iingat ka bumalik ka dito. Feel at home ka lang, bahay mo din naman ito" wika sa akin ni tita.

" Salamat po, alis na po ako" paalam ko sa mga ito saka agad na sumakay sa kotse ni tita.

Kaya agad na nagmaneho ang driver nina tita paalis doon. Habang nasa daan kami ng tumunog ang phone ko.



Ba Calling


" Hello" bungad ko dito.

" Bat umalis ka naman agad sa bahay?" takang tanong nito.

" Kailangan ko na kasing umuwi, baka kasi magtaka na si Cab na di ako umuwi sa bahay" tugon ko dito.

" Sabagay, well anyway may ibabalita ako sayo. Magkita na lang tayo sa kumpanya bukas. Ingat ka" wika nito saka namatay na ang tawag.

Fastforward



" Salamat po sa paghatid" kaway ko sa nagmamaneho ng kotse.

Bumusina lang ito saka agad na umalis na din kaya nagtungo na ako sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko naman na wala na sa garahe ni Cab ang kotse niya, kaya marahil wala na ito dito.

Pumasok na lang ako sa loob saka nakita si April na abala sa paglilinis ng sala.

" Good morning ma'am" bungad nito sa akin.

" Good morning, akyat lang ako sa taas" wika ko dito kaya ngumite lang ito at bumalik sa ginagawa niya.

Habang naglalakad ako ay napatingin naman ako sa phone ko ng makita ko kung anong oras na pala ako nakarating dito. Hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat na ng kwarto ko kung kaya ay binuksan ko na ito.

Napaupo naman ako sa kama dahil sa malambot kasi ito. Inilagay ko na lang ang phone ko sa table, ngunit napansin ko na nawawala ang isang larawan kung kaya ay hinanap ko ito.

" Nasan na yun?" nag aalala na wika ko.

Hinanap ko naman sa kama, maging sa drawer ko ngunit wala doon.

" Nasan ka na ba?" wika ko habang di mapigilan ang di mapaiyak.

" Ito ba ang hinahanap mo?" tanong ng nasa likod ko kung kaya ay nilingon ko ito.

" Cab "tanging nasambit ko.

" I saw this, hindi ko naman alam na ganun talaga kahalaga ito sayo. Dahil umiyak ka pa diyan" saad nito sa akin.

Nakita ko nalang na nilagay niya ito sa kama kaya napaiwas na lang ako ng tingin dito.

" I'm sorry, hindi ko lang kasi kayang itapon yan. Mahalaga sa akin ang larawan na yan" tugon ko naman dito saka kinuha ito at binalik sa table ko.

" So, pinapakita mo sa akin na mas mahalaga yan kesa sa akin na asawa mo?" inis na tanong nito.

" Hindi ko naman kailangan na mamili eh. Asawa na kitang at ex fiance ko lang si Stone, at isa pa. Patay na yung tao, big deal pa din ba sayo yun?" takang tanong ko dito.

  " Tree Of Love " Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz