Chapter 14 ( Huling Hantungan )

5 3 0
                                    

                     Bea POV

Ito na ang araw na ililibing na namin sina ama at ina. Alam ko na hindi ko na kailanman mayayakap pa ang mga magulang ko. Ina at Ama sana kung dumating man Yung araw na magkakasama tayo, sana ako pa rin ang anak niyo. Mamimiss ko kayo, hindi ko kayo kailanman malilimutan pangako Yan. Habang unti unti na  naglalagay ng mga bulaklak ang mga taong nakikilibing ay hindi ko maiwasan di maiyak. Kasi lahat nang alala na kasama ko sila ay unti Unting bumalik sa akin . Parang gusto kung sumama kasi ang sakit. Ang sakit sakit, bakit pareho pa silang kinuha sa akin? hanggang sa mapahinto ako ng biglang nag salita si tita sa harap.

" Malaki ang pasasalamat namin sa mga taong dumalo sa huling hantungan ng kapatid ko at ng kaniyang asawa. Alam ko na naging saksi kayo sa kung paano kayo tratuhin ng kapatid ko at ng kaniyang pamilya. Wala man ako sa mga panahon na kasama niyo sila, ngunit alam ko kung anong klaseng tao ang dalawa. Naging saksi ako sa kung paano sila magmahalan, hanggang sa mabiyayaan sila ng isang anak. Ang aking pamangkin na siyang mananatiling alaala sa amin sa aking namayapang kapatid. At sa angkan ng kaniyang asawa. Masakit mang tanggapin at isipin na maaga silang kinuha sa amin. Pero malaki pa rin ang pasasalamat namin sapagkat pinahiram sila sa amin. Kaya salamat sa inyo sa pagmamahal ninyo sa kapatid ko at sa asawa niya '' naiiyak na wika ni tita.

Hanggang sa ako na nga ang nag salita sa harap. Habang hawak ko ang mic ay di maiwasan di tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang magbigkas ng isang salita sa pagkat naiiyak ako.

'' Katulad ng sinabi ni tita kanina, malaki din ang pasasalamat ko sa inyong mga nakidalo ngayon. Sapagkat pinapakita lang ninyo ang pagmahahal ninyo sa mga magulang ko. Masakit mang makita na wala na talaga sila, ngunit alam ko na masaya na sila kung nasan man sila ngayon. Isa ako sa isang napaka swerte na anak sapagkat, ako ang naging anak nila. Naranasan ko sa  kanila ang walang katumbas na pagmamahal, na kahit kailanman di ko mararanasan sa iba. Malaki ang pasasalamat ko sa Ama na siyang nagbigay sa akin ng mga magulang na walang sinuman ang makakatumbas, ina at Ama kung nasan man kayo Alam ko na masaya na kayo at nais inyong maging masaya din ako at mag patuloy sa buhay kahit wala na kayo. Mahal na Mahal ko kayo hindi ko kailanman malilimutan ang mga naituro ninyo sa akin ang pagmamahal na tanging sa inyo ko lang nadama bilang aking mga mabubuting magulang. Maraming salamat sa mga masasayang  alaala na hanggang nabubuhay ako ay mananatili sa puso at isip ko. Paalam, ina at Ama '' wika ko habang pinupunasan ang luha sa pisnge ko.

Naramdaman ko nalang ang paglapit sa akin ni stone at ang paghawak niya sa akin kaya ngumite na lang ako ng kunti. Hanggang sa nakita na lang namin ang unti Unting pagbaba ng kabaong nina Ama at ina sa lupa. Kaya hindi ko halos mapatigil ang mga luha sa pisnge ko na nagsisilandasan. Patuloy lang sa paglabasan ang mga luha sa pisnge ko. Lahat kami ay nag iiyakan, maging sina tita at Lomo. Naramdaman ko na lang ang yakap ni stone sa akin na siyang dahilan para doon na ako umiyak sa balikat niya.

Natapos ang libing ng unti unti nang nagsiuwian ang mga nakidalo. Tanging ako at ang pamilya ko na lang ang naiwan dito.

'' Anak di ka pa ba uuwi? "'tanong sa akin ni tita.

'' Mamaya na po ako uuwi tita, mauna na lang po kayo '' wika ko dito.

'' Sige, hihintayin ka na lang namin doon '' pagsang ayon nito sa sinabi ko kaya napatango na lang ako.

Niyakap muna  ako ni Lomo bago sila umalis. Kaya muli akong nakatingin sa pinaglibingan nina Ama at ina. Habang nakatingin ako sa pinaglibingan nina ina at Ama na tinatabunan ng lupa ng may nag salita sa likod ko.

'' Beng '' wika ng boses sa likod ko.

Kaya napalingon na lang ako dito sa gulat.

'' Cab!'' wika ko.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now