Chapter 3 ( New Place )

4 5 0
                                    

                         Bea POV

Maaga akong nagising dahil sa ganito talaga ako. Madali akong magising lalo na kung naninibago ako sa isang lugar. Kasalukuyan akong nandito sa garden nina Ba.

Naalala ko noon dito kami madalas na maglaro kaya alam ko na ang pasikot sikot dito ngunit na pansin ko na madami na pala ang nagbago.

" Ang aga mo naman nagising" bungad na wika nito sa akin.

" Ahm, alam mo naman na naninibago lang ako kaya maaga akong nagising " saad ko dito habang hinahawakan ang mga bulaklak.

" Hmm, masasanay ka rin lalo na at dito ka na talaga titira" nakangite na wika nito.

Napatango na lang ako.

" Hayss, panigurado matutuwa si mom kapag makita ka na niya dito. Atshaka masaya na rin ako na makakasama na kita dito. Alam mo naman na palaging abala sina mom at dad sa business trip nila. Nakakabagot na rin na sina manang na lang lagi ang kasama ko " nakapuot na wika nito.

" Hayss nakakabagot nga "sang ayon ko dito saka tumabi sa kaniya sa pag upo.

" Alam mo mas gusto ko ang takbo at estado ng buhay ninyo nina tita at tito. Kasi kahit na di kayo ganun kayaman o salat sa salapi ay masaya kayo at buo sa araw araw. Ako? tuwing may okasiyon ko lang nakakasama ang parents ko " nakayuko na wika nito kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya.

" Alam ko ang nararamdaman mo. Ngunit dapat ka pa ring magpasalamat sa parents mo kasi nandiyan sila. Hindi nga lang physically pero nandiyan sila para bigyan ka ng mabuting buhay" saad ko dito.

" Tama ka diyan, pero kahit na ganun sina mom at dad ay mahal na mahal ko naman sila. Kahit na kunti lang ang mga oras na nakakasama ko sila. Ay ok na ako "saad nito sa akin na siyang ikinangite ko.

Nagtawanan na lang kaming dalawa at inaalala ang pagiging makulit namin nong mga panahon na nagbakasyon ako dito sa maynila. Ang tagal na pala non.

" Nga pala naalala ko. Kumusta na ang kababata mong lalaki? ano naging kayo na ba?" excited na tanong nito.

" Huh? hindi ahh " napaiwas naman ako ng tingin.

" Asuss hahaha alam ko naman na hanggang ngayon siya pa rin. Kaya di ka nagkakajowa eh laging siya ang nasa isip mo " natatawa na wika nito.

" Hayss kaya nga ako nandito para maka move on " saad ko dito.

" Move on? Hayss alam mo na yan ang pinakamahirap na gawin. Madaling sabihin ngunit pag pinagawa na sayo ay di ganun kadali "pangangaral nito sa akin.

" Bakit nagawa mo na ba ang bagay na yan noon? "tanong ko dito.

" Yeah, I have a boyfriend na naging matagal ko rin na karelasyon. Kaya lang kailangan naming maghiwalay kasi malayo yung mga pangarap at mga bagay na nag uugnay sa amin. Marahil dahil sa mga bata pa tayo. Kaya ganun "wika nito sa akin.

" Hanggang ngayon ba nandiyan pa rin siya? "curious na tanong ko.

Napaiwas naman ito ng tingin sa akin at tumayo.

" Nananatili pa rin siya sa tagal ba naman na naging magkarelasyon kami kaya di ganun kadali na lumimot. Lalo na kung mahal na mahal mo talaga yung isang tao "saad nito sa akin habang nakatingin sa isang halaman.

Hayss tama nga siya, pero paano ko malilimot ang nararamdaman ko para kay Cab kung kailangan ko na alalahanin na mahirap ko siyang maiwasan kung kaibigan ko siya?

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now