Chapter 10 ( The REAL STONE )

4 3 0
                                    

Bea POV


Umaga na naman panibagong araw. Habang nakatingin ako sa terrace sa kwarto ko ay may napansin akong kotse na nakaparada sa labas ng gate. Teka, diba kotse ni stone yun. Anong ginagawa niya dito. Kaya walang ano ano ay nagmamadali akong pumunta sa hagdan at doon nga ay nakita ko itong nakaupo sa sofa. Kaya di ko muna tinuloy ang bumaba, nandito lang ako sa may hagdan nakatingin sa kaniya.

" Ano, hanggang tingin ka na lang diyan?" tanong sa akin ni Ba.

" Ano ka ba naman, mangugulat ka na lang ba talaga?" gulat na tanong ko dito habang napahawak sa puso ko.

" Asuss masyado ka lang talagang magugulatin" saad nito sa akin.

Muli naman akong napatingin kay Stone at nakita na nawala ito, kaya taranta akong hinanap siya. Di ko napansin na nakasunod pala sa akin si Ba.

" Oi, hinahanap niya. Ayan kasi pakipot pa" panunukso nito sa akin.

" Manahimik ka nga Ba, don ka na nga muna kay Marco " pagtataboy ko dito.

" Ayoko nga, ano siya sinuswerte? Hayy naku! Di porket model siya ay magkakandarapa na ako sa kaniya " wika nito habang nakataas ang kilay.

" Asuss bakit totoo naman ahh? kung noon halos lumuhod ka na sa akin makilala mo lang siya in person. At mas lalong mapansin ka pa niya. And now, hayy naku parang aso at pusa na kung magbangayan " saad ko dito.

Nakita ko naman ang pagsimangot nito na siyang ikinatawa ko na lang. Ayan ang hilig manukso pero pag siya nagagalit na.

" Bahala ka na diyan, puntahan mo na lang sa garden. Nakita ko siya doon papunta "wika nito saka nagtungo sa dining.

Kaya agad na akong nagtungo sa garden ay doon ko itong nakita na nakatingin sa mga halaman. Hindi ko alam pero bat kinikilig ako kapag nakikita siya? Ganun ba talaga kalakas ang dating niya sa akin? hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako dito.

" Niinip ka na ba? "bungad na tanong ko.

" Ikaw pala, hindi naman. Ahm wala ka bang ginagawa ngayon? " tanong nito.

" Ahm wala naman. Bakit? " balik na tanong ko.

Napakamot naman ito sa ulo niya. Kaya nagtaka akong napatingin dito.

" Ahm, ano labas tayo " aya nito sa akin na ikinagulat ko.

" Huh? "gulat na tanong ko.

" Labas tayo, I mean let's date " ulit nito na siyang nagpabilis ng kabog ng puso ko.

" Huh, ahm wala ka bang ginagawa? " tanong ko.

" Nah, wala. Aayain sana kita ngayon kasi bukas ay magiging busy na ako sa shoots namin. Kaya baka di na kita masasamahan " wika nito.

" Ahm sige. Ok lang naman. Wala din naman akong ginagawa " saad ko dito.

" Ahm so " napatingin naman ako sa suot ko.

" Ah wait, magbibihis lang ako "nahihiya na wika ko naka pangbahay lang pala ako.

Kaya dali dali na akong nagtungo sa kwarto ko at naghanap ng masusuot. Ng makapili na ako ay agad na akong nagbihis at agad na pumunta sa baba.



Lissa POV


Nakita ko na lang na umalis na sina Ba. Kaya di ko mapigilang di mapangite. Hmm, kung ito ang paraan para mawala ang nararamdaman mo para kay Cab Ba ay suportado ako.

  " Tree Of Love " Where stories live. Discover now