Chapter 22 ( Bonding )

0 0 0
                                    

                      Bea POV


Fast forward

Sa ilang araw na pananatili namin dito sa resort marami naman akong masasayang mga alaala na nabuo dito. Naging maayos naman ang break namin, si tita ayon busy na rin sa opisina nito. While me and Ba ay wala lang, hahaha lakwatsa lang char.

" Hey kanina pa kita nakikita na nakatingin sa malayo anong meron?" takang tanong nito sa akin.

" Huh? Wala naman. Naisip ko lang ilang araw na din pala ang nakakalipas since nagstay tayo dito. Simula ng outing natin ay agad naman tayong nagtungo dito sa probinsiya " saad ko dito.

" Oo nga eh, atshaka alam ko naman na namimiss mo ang lugar niyo. At syempre hindi mo ba namimiss ang isa pa? " tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

" Isa pa? Ano naman? "tanong ko dito.

" Hindi ano kundi sino " pagtatama nito sa akin.

" Best " rinig kung tawag sa akin sa likod kung kaya ay napalingon ako.

" Clar, ben " wika ko sa dalawa.

" Kumusta ka na? Pasensya na at ngayon lang kami nakadalaw. Hindi ka namin na dalaw kahapon ng dumating kayo " saad nito sa akin.

" Ano ka ba ok lang. Atshaka, I wanted to surprised you guys sana ang kaso nalaman niyo na pala na nandito na ako" wika ko dito.

" Hayy naku beh, alam mo naman itong hal ko. Pagdating sayo ay dakilang marites" sumbong sa akin ni ben kaya pinalo na lang ito ni clar kaya natawa na lang kami ni Ba.

Ngunit napatingin na lang ako sa mga sasakyan nang mapansin ko na patungo ito sa bahay nina Cab kaya nagtaka na lang ako.

" Anong meron don?" takang tanong ko sa dalawa.

Ngunit magsasalita na sana si Best ng biglang dumating si lomo.

" Apo nalaman mo na ba ang tungkol kay Cab?" tanong nito sa akin.

" Anong tungkol sa kaniya lomo?" tanong ko dito.

" Kasalukuyan nang sinisira ang bahay nila" wika nito sa akin.

Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ito mismo.

" Ba sandali" sigaw sa akin ni Lissa ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa.

Makita ko ito mismo na sinisira ang bahay nila. What happened? Bakit sinisira nila ito? Naramdaman ko na lang ang pagtabi ni ben sa akin kaya taka akong napatingin sa kaniya. Ngunit bago ko pa maibuka ang bibig ko ng magsalita na ito.

" Ipinagbili nina bads ang lupa nila dito. Matagal na silang lumipat simula ng bumalik ka sa maynila. Gusto sana naming sabihin sayo ang bagay na ito ngunit hindi namin nagawa. Akala namin na hindi mo na kailangan na malaman pa ang bagay na ito, pero dapat lang na sabihin din namin sayo kasi sa ating tatlo ikaw ang pinaka closed sa kaniya " kwento nito sa akin kaya napanganga na lang ako sa gulat.

" Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin ang bagay na ito? Atshaka saan sila lumipat? " tanong ko dito.

" Ang sabi niya lang sa amin ay kinuha daw siya ng tita niya at dinala sa states. Doon na rin siya nagpatuloy sa pag aaral kasi nandoon din naman ang course na gusto niyang kunin noon pa man " dagdag nito.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon