Chapter 30 ( Handkerchief MAN )

1 1 0
                                    

                                    Bea POV


Hindi pa rin ako makapaniwala na nais lang palang bumalik ni lomo sa probinsya. Ang lugar kung saan madami akong alaala. Buong biyahe ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana habang nakasakay kami ng van.

Hindi ko na nga namamalayan na nakarating na pala kami sa mismong tapat ng dati naming bahay. Malinis naman ito kasi may nag aalaga sa bahay namin si aling basyang ang isa sa kapitbahay namin dito.

Ng huminto na ang kotse ay pinagbusaksan naman kami ng pinto ng driver ko. Kaya agaran na din na lumabas ako kasunod si lomo. Nakikita ko na ang laki ng ngite ni lomo habang nililibot ang buong paligid. Hindi ko naman maitatanggi na maging ako ay natutuwa na makita ang lugar na ito. Marami na ang nagbago marami ng mga bata at mga taong tumitirik ng sarili nilang bahay.

" Halikana apo" aya ni lomo sa akin kaya tumango na lang ako.

Nauna na itong naglakad kasunod ang driver ko habang abala sa kabibitbit ng mga bagahe namin. Ako na ang nagbukas ng gate para di na mahirapan ang driver ko para magbukas pa nito.

Ng tuluyan akong nakapasok sa loob ay parang bumabalik lang yung noon, yung mga panahon na nandito pa ako. Yung mga panahon na kasama ko pa siya. Kumusta na kaya siya? Ikinasal na ba siya? Kung nasaan ka man ngayon nawa sana ay nasa maayos ka na kalagayan.

Akmang papasok na ako sa loob upang sumunod kina lomo nang may tumawag sa akin.

" Beh?" tuwang wika nito kaya napalingon na lang ako sa likod.

Nagulat ako ng makita ko siya dito akala ko ba nasa states siya.

" Akala ko ba nasa states ka?" tanong ko dito.

Well galing nga ako doon, ngunit may dahilan kung bakit nagbalik ako dito. Naisip kasi ni hal na dumalaw dito and good thing at nandito ka din" tuwang wika nito.

" Oo nga eh, akalain mo yung magkikita lang din pala tayo dito" saad ko dito na nakangite.

" Nga pala hindi ka ba babalik agad?" tanong nito.

" Ahm, hindi pa siguro naisip kasi ni lomo na mag stay dito ng 1 week para masulit niya ang bakasiyon niya dito" saad ko dito.

" Sabagay tama ka o siya mauna na muna ako. May dadaanan pa kasi ako eh. Siyangapala, iniimbita ko kayo ni lolo na magtungo sa lugar na ito" saad nito kaya napalingon naman ako sa address na ibinigay niya.

" Anong meron?" tanong ko.

" Plano ko na din kasi na mag proposed sa kaniya bago man lang ako makabalik abroad" nakangite na wika nito kaya natuwa naman ako.

" Oo ba bakit hindi" tuwang pagsang ayon ko dito.

" Hehehe, basta ikaw ang bride's maid" saad nito.

" Hehehe sige" wika ko na lang.

Kumaway na lang ito sa akin kaya ganun din ang ginawa ko hanggang sa makita ko na lang ang palalayong kotse nito. Kaya naisip ko na lang din ang pumasok na sa loob.


Fastforward


Habang abala ako sa paghahanda ng makakain namin ni lomo ng magsalita ito sa likod ko.

" Apo tulungan na kita diyan" wika nito sa akin.

" Ahh naku lomo, maupo ka na lang doon. Ako na dito at kaya ko na ito" saad ko dito.

Kaya ngumite na lang ito at agad na nagtungo sa mesa. Ng tuluyan ko ng matapos ang pagsasandok ng mga pagkain na naluto ko ay agad na akong nagtungo kay lomo habang dala ang mga pagkain.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon