Chapter 26 ( Trying To Let Go )

0 0 0
                                    

                               Bea POV


Morning

Ilang days na ang nakakalipas sa lamay ni hon pero never nawala sa akin ang isang pag asa na sana ok lang ang lahat. Na sana panaginip lang ang lahat ng ito at alam ko na may hon na sasalubong sa akin sa pag uwi nito dito sa pilipinas. Umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat ng ito or di kaya ay isang prank na ginagawa nila. Pero kahit na anong asa man ang isipin ko at pilit na ipikit ang mga mata ko ay nanatili pa ring nakadilat ang mga mata ko sa katotohanan na wala na talaga siya. Na ang taong minahal at nagparamdaman sa akin na kaya din pala akong mahalin ay wala na. Iniwan na niya ako, iniwan na niya ako na kung kailan bubuo pa kami nang sarili naming pamilya ay wala na.

Wala na ang taong inaantay ko ng ilang taon na bumalik sa akin. Wala na ang taong mayayakap at hahagkan ako sa noo. Wala na ang taong magiging ama ng tahanan na bubuuin ko sana. Naglandasan na naman ang luha sa pisnge ko. Hindi ko pa din pala kaya, di ko pa din kaya na maniwala na wala ka na talaga na lilisanin mo na talaga ako.

" Ang daya mo hon, yun na yun eh. Ikakasal na lang sana tayo, hindi mo naman ako inantay at nilisan mo na ulit ako. Ang worst kasi habang buhay ka ng mawawala sa tabi ko. Bakit ang bilis mo naman akong iniwan, bakit katulad ka din nila. Iniiwan ako agad" wika ko sa kabaong nito habang patuloy pa din sa paglandasan ang luha sa pisnge ko.

" Anak, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pa walang pahinga. Baka kung mapano ka" paalala sa akin ni tita.

" Hindi na po, kaya ko pa naman tita eh. Kaya ko pang tiisin ang puyat, kesa ang tanggapin na wala na talaga siya" wika ko dito habang pilit na hinawakan ang kabaong ni stone.

Nakikita ko na payapa siyang nakahiga na akala mo natutulog lang. Kaya mapait na lang akong napangite kasi hindi ko kaya di ko kaya na nakikita siya dito na hindi na kailanman magigising pa.

" Last day na ng lamay ni stone ngayon, kaya mabuti pa ay magpahinga ka na ok? Babalik ka na lang dito mamaya, pero ngayon you need to rest" saad nito sa akin kaya kahit na ayaw ko ay sumunod na lang ako.

Agad naman akong nilapitan ni Ba at inalalayan palayo doon.



                    Lissa POV


Habang nakatingin ako kay Ba na mahimbing na nakatulog dahil dala na din sa puyat ay hindi ko maiwasang di maawa sa kaniya. Ang dami nang sakit na pinagdaanan niya ngunit nalagpasan niya ito kasi nandoon yung taong naging sandalan niya lalo na pagdating sa puso. Ngunit ang taong yun naman ang lumisan at iniwan din siya.

" Ba sorry kasi hindi ko man lang magawang kunin ang sakit na nararanasan mo ngayon. Na wala akong magawa kundi ang damayan ka" naiiyak na wika ko.

Naramdaman ko naman na bumukas ang pinto ng room nito.

" Babe" tawag sa akin ni marco.

Kaya pinunasan ko na lang ang luha sa pisnge ko. Hanggang sa maramdaman ko na nakalapit na pala siya sa akin.

" Ok ka lang ba?" tanong nito.

" Nah, hindi ako ok. Lalo na at nahihirapan si Ba ngayon. Hindi madali para sa kaniya ang lahat ng ito lalo na at si Stone naman ang nawala sa buhay niya. Wala man lang akong nagawa babe, wala man lang ak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng niyakap na lang ako nito.

" Shhhh wag mong sisihin ang sarili mo babe, kasi wala namang may kasalanan eh. Maging ako mahirap din sa akin na tanggapin na wala na si stone lalo na at magpinsan kaming dalawa. Mahirap din sa akin na tanggapin ang bahay na yun. Maaring hindi kami magkasundo noong una ngunit ang ugnayan namin bilang mag pinsan ay higit pa sa totoong magkapatid " wika nito sa akin.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon