Chapter 9 ( His SMILE )

6 3 0
                                    

                         Lissa POV

Habang pababa ako sa hagdan ng mapansin ko si Ba na tulala.

" Anong minumukmok mo diyan? " tanong ko dito.

" Wala " wika nito.

" Wala? Eh kanina ka pa diyan? Mga ilang minuto na kitang tinitigan di mo pa rin ako napapansin na parang walang nakatingin sayo " saad ko dito.

" Hindi ka na ba galit talaga sa akin? " tanong nito.

" Anong klaseng tanong naman yan" saad ko dito saka tumabi sa kaniya.

" Kasi pansin ko sa boses mo na galit ka pa rin sa akin " nakapuot na wika nito.

" Naku tigilan mo ako sa pouting, pouting mo Ba ahh " pagpigil ko dito.

" Hayss aminin mo na kasi na ang cute ko. Kaya inggit ka lang " wika nito.

" Ewan ko sayo " saad ko dito.

Napatayo naman ako at papunta na sana sa dining ng mag salita ito ng seryoso.

" Tama ba ang decision ko na magpanggap na kasintahan ni Stone? " tanong nito na nagpahinto sa akin.

" What do you mean? " tanong ko dito.

" Kasi nagkatampuhan kami ni Cab because of that " wika nito kaya napalingon ako dito.

" You mean ang kababata mo? Ano naman ang papel niya sa bagay na yun? " tanong ko.

Napatayo naman ito sa pag upo at nagsimulang magtungo sa dining kaya sumunod na lang ako. Ng makarating kami sa dining ay naupo naman ito at nagsandok ng makakain habang ako ay naghihintay sa isusunod nito.

" Kumain na muna tayo "aya nito.

Nasapo ko na lang ang noo kung napaupo sa upuan.

" Ewan ko talaga sayo Ba. Kanina pa ako naghihintay sa sasabihin mo yun pala kakain ka muna?  "tanong ko.

" Eh sa nagugutom ako eh kumain ka na lang diyan. Magmumukha ka nang si marites diyan eh " saad nito saka kumain.

Napailing na lang akong nagsandok kahit kailan talaga ang hilig mambitin.



                              Bea POV

Habang abala ako sa paghahanda ng mga dadalhin ko papasok ng biglang may bumusina sa labas ng gate kaya napatingin ako sa bintana. At di ko inaasahan ang makikita ko.

" Anong ginagawa niya dito? " takang tanong ko sa sarili.

Kaya dali dali na akong bumaba habang dala ang bag ko  dahil papasok tayo sa school ngayon. Naabutan ko pa si manang na patungo din sana sa taas.

" Mabuti at nandiyan ka na mukhang nandon na ang susundo sayo " wika nito.

" Sige po aalis na po ako manang " paalam ko dito.

Agad na akong nagtungo sa pinto at binuksan ito. Nakita ko naman ito na naghihintay sa labas ng gate habang nakasandal sa kotse nito.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya napailing iling na lang ako, hayss nababaliw ka na talaga Bea? Naisip ko na lang na lumabas na sa gate.

" Ano naman ang ginagawa mo dito? " tanong ko.

" Lolo said na ihatid na kita sa school " wika nito.

  " Tree Of Love " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon