Chapter 31: Unexplained

584 27 8
                                    

Lean's POV

"Ms. Navona, if I may ask, bakit nyo po ako pinatawag sa silid ninyo?" Tanong ko sa ngayong nakatayo na punong guro.

Tinignan nya si Mr. Periton at tinanguan ito, nagpapahiwatig na ang guro ang syang magpapaliwanag sa pakay ng aking pagparito. Sumang-ayon naman si Mr. Periton at humarap sa akin.

"Ms. Lockmere, I am asking for your permission on this and I already have the consent of our headmistress. As the academy's instructor for enhancing your abilities, I want... I was hoping, rather, to study your abilities." Sabi nito.

Nagulat ako sa sinabi nya. Literal na napanganga ako at napatayo sa aking kinauupuan. I mean, why would he study my abilities? Last time I checked, he's a dangerous person.

"I know it is beyond the academy's curriculum, but from what you have shown in my class, I must say that you have impressed me Ms. Lockmere!" Sunod nya habang nakangiti at tinapik ako sa balikat.

Para akong nakaramdam ng kilabot mula sa kanyang pagtapik. Yung feeling na parang manginginig ang buong katawan mo mula sa spinal papunta sa leeg. Basta, kailangan ko munang mag-isip bago magdesisyon. Kailangan ko din ang decision nila Leo tungkol dito.

Ngunit wala si Leo.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinignan si Miss Navona na kinakausap ngayon ni Mr. Periton. Pasilip-silip sya ng tingin sa akin habang patuloy na sinasabihan ng guro kung paano ko nagawang gisingin ang isang holy weapon.

Humarap si Miss Navona sa akin.

"What do you say Ms. Lockmere?" Tanong nito sa akin.

"Mr. Periton, Headmistress Navona, I... I... I will think about it." Tanging nasagot ko nalang. Gusto ko mang tumanggi ay hindi ko din magawa, ang buwesit lang, hiningi pa ni Mr. Periton ang consent ng headmistress.

"I will wait for your decision Ms. Lockmere." Sabi ng guro at niyuko ang kanyang ulo.

Nagpaalam si Mr. Periton sa headmistress at bago pa sya makalabas ay tinapik pa nya ang balikat ko. Nginitian ko sya ket alam ko namang peke lang ang pakikitungo ko sa kanya.

Naiwan kaming dalawa ni Miss Navona sa silid nya. Sabihin ko kaya sakanya ang mga kahina-hinalang galaw ni Mr. Periton? Naisip ko nalang.

Hinarap ko ang headmistress at dito ko na sasabihin lahat ng mga sinabi sa akin ni Leo at Jiro tungkol kay Periton.

"Ms. Navona, may-" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil sa katok na nanggaling sa labas ng silid.

"Headmistress, the council of Avalon highly needs your presence in their meeting." Rinig namin sa labas na hinala ko ay si Ms. Finner.

Tinignan ako ni headmistress at hinimas ang aking balikat.

"Sorry dear, but let's talk some other time."

Tumango nalang ako at ngumiti. Atleast alam na ng headmistress na may gusto akong sabihin sakanya.

Sabay kaming lumabas ng kanyang silid at nagsama na silang dalawa ni Ms. Finner maglakad. Bago paman ako makalabas ng faculty building ay tinignan ko muna ang espasyo ni Periton, nakita ko syang may binabasa at nagpaikot-ikot ng ballpen sa daliri.

Akmang lilingon sya sa akin, mabuti nalang at nakapag-iwas ako agad. Nagbuntong-hininga ako.

"Muntikan na yun." Bulong ko at tuluyan na ngang lumabas.

Pagdating ko sa field ay walang pasabing biglang sumulpot si Jiro sa aking likuran. Muntik ko syang nasapak sa pinaggagawa niya. Buti nalang at mabilis ang reflexes ng lalaking 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now