Chapter 15: Believing In Fantasy

934 54 1
                                    

"Believe in the reality that was meant for you." -Anonymous
________________

Santi's POV

Nagising ako nang nakaramdam ng matinding sakit sa buong katawan, pero wala na ako sa gusaling iyon, nasa labas na ako. Hindi na din ako nakatali at malayang nakakakilos.

"Paano..." Tinignan ko ang paligid at napagtantong nasa kagubatan ako.

Dumaing ako nang nakaramdam ulit ng sakit. Nang nawala ito ay tumayo ako sa pagkakaupo at pinagpag ang mga dahon na nasa aking kasuotan.

"L-Lean?" Naningkit ang mga mata ko at siniguradong siya nga.

Tinignan kong mabuti ang babaeng nakahiga malapit sa aking kinatatayuan. Si Lean nga. Sugatan ang kanyang katawan, at puno ng mga pasa.

"Lean!"

Pinuntahan ko siya at pinagpag ang mga dahon na nakakalat sa kanya. Nang mapunta ang aking mga mata sa kanyang mukha, hindi talaga ako makahanap ng salitang makakapaglarawan sa kagandahan niya.

"Sino namang may tangkang gumawa ng ganito sa inosente mong mukha?" Bulong ko habang nakatitig parin sa kanya.

Bubuhatin ko na sana siya ngunit napaatras ako nang dumaing siya at may nagpakitang bagay sa likuran nya na naging dahilan ng pagkagulat ko. Napasinghap ako, hindi ka pani-paniwala.

"P-pakpak?"

Lumayo ako sa kanya, thinking that she might be dangerous or something. Alam kong anghel ang pagmumukha niya pero iba na'to, literal na anghel siya. O baka I'm just seeing thing? Maybe sinapak nila ako at nahimatay, baka hindi totoo ang lahat ng ito. But the images are too vivid, hindi ito maaari.

Iiwanan ko ba siya at tatakbo? O tulungan siya? I'm hesitating. Ang inosente ng mukha niya, baka hindi siya nananakit. At kung may balak man siyang manakit, dapat ay ginawa na niya noon pa.

Tinignan ko siya ulit. Diwata ba siya? Una ay nagpakita siya sa aking panaginip, and it turns out, nabubuhay pala siya sa mundong totoo. At ngayon ito? Ano ba talaga siya?

Naglakad ako ulit patungo kay Lean at doon sa kanyang gilid ay umupo ako. Hindi siya gaya ng mga babaeng nakilala ko sa school, o sa kung saan pa. She's different, a good different.

"Why do I feel like we're connected?" Tanging nasabi ko nalang.

Pinatong ko ang kanyang ulo sa aking hita at inalis ang mga buhok na nakatakip sa kanyang mukha. She's so fragile, a delicate princess in distress.

At tinignan ko ang pakpak niya. Hindi man kapani-paniwala ay wala na akong magawa, I have to believe on what I have seen.

Tinutukan ko ng tingin ang kanyang mukha, anghel na anghel. No wonder may pakpak siyang napakaganda. Nagulat ako nang bigla niyang binuka ang kanyang mga mata, napaiwas ako ng tingin.

"N-nakita kitang nakahiga dito. O-okay ka lang?" Tanong ko ng di man lang siya tinignan.

Bumangon siya at hinimas ang kanyang ulo. Tinignan niya muna ang paligid at saka napunta ang kanyang mata sa akin.

"Nasaan tayo?" Malumanay niyang tanong.

"N-nasa kagubatan, di ko alam kung paano tayo napunta dito."

Tumaas ang kanyang kilay and her eyes widened. Napasinghap siya at ako'y tinignan. May something ba sa mukha ko?

"Kailangan na nating umalis dito!"

Sinubukan niyang tumayo ngunit natumba siya, mabuti nalang at nasalo ko. Dumaing siya at hinawakan ang kanyang paa, nakita ko duon ang isang malaking hiwa. Hindi pa niya kaya.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now