Chapter 29: The Suspicious Teacher

651 53 6
                                    

Third Person's POV

"Hindi pwede gumamit ng spell, you cheater!"

"Hindi ako gumamit ng spell, nasaksihan ng lahat Rina. Wala akong ginawa!"

"Sinungaling! Mr. Periton, nakita mo ang nangyari, she used a spell."

"Wala nga akong ginawa! Mr. Periton, hindi ko po alam kung bakit yun nangyari."

Pinatahimik ng guro ang dalawa at nag-isip kung ano ang gagawin nyang desisyon. Pati sya ay hindi rin alam kung ano at kung paano yun nangyari.

"Let's continue tomorrow, it's getting late. Class dismissed!" Tanging nasabi nalang nya.

Nagsi-alisan na ang mga estudyante sa Aurea, maliban nalang kay Lean na kinakausap pa ni Periton.

"Goodluck, cheater." Rinig nyang bulong ni Rina habang naglakad ito palayo.

Kabado namang nakatayo doon si Lean, silang dalawa nalang ni Mr. Periton sa islang iyon. Alam nyang wala syang ginawang mali at halos maluha na sya sa mga iniisip nyang mangyari sa kanya at sa pagiging estudyante nya sa academy.

"Mr. Periton, wala po talaga akong ginawa, hindi ko po alam kung paano yun nangyari."

"Alam ko."

Napahinto si Lean sa kanyang kinatatayuan. Kung alam ni Periton na wala syang ginawa, bakit hindi pa sya pinaalis?

"Sino ka ba talaga Ms. Lockmere?" Tanong ng propesor na nakatalikod.

Nanatili namang tahimik si Lean at yumuko sapagkat wala syang maisagot dito.

"First, you showed up in the forest that night. Then you enrolled in this academy with wings that are identical with Hera's wings. You accidentally summoned a rare sprite, at ngayon ay binuhay mo ang natutulog na kalasag ni Tesa."

Naguguluhan si Lean sa unang sinabi ni Periton, hindi nya alam kung ano ang ipinapahiwatig nito. Anong kagubatan? Tanong nya sa kanyang isipan.

"Mr. Periton, anong kagubatan po? That night? Hindi ko po kuha."

Hindi sya sinagot ng propesor, bagkos ay pinaalis na sya nito at pinaghanda para sa klase nya bukas. Naguguluhan man ay sinunod ni Lean ang utos ni Periton at nagpaalam na sakanya.

Tinignan lamang ng propesor si Lean habang papalayo ito. Nang tuluyan nang makalayo ang estudyante, napunta ang tingin ni Periton sa lumulutang na kalasag ni Tesa. Hinawakan nya ito at inisip kung paano nagawa ng isang taga Isla Sierro ang pangyayaring iyon.

"Paano ka ba nagawang piliin ng isang ibon Ms. Lockmere? Sino ka ba talaga?" Sabi nito sa sarili.

Binitawan nya ang kalasag at kusa na itong nawala sa ere, bago pa man sya umalis ay tinignan nya muna ang estatwa ng islang iyon.

"Aurea, magpakita ka na." Huling sabi ng propesor at tuluyan nang umalis.

***

Dumating ang oras ng pagtulog ng lahat, sunod-sunod ang pagpatay ng ilaw hanggang sa mga poste nalang ng field ang nakasindi. Nagsilabasan na din ang mga kuliglig na ani moy naghiyawan sa isang karera, isa-isa ding nagpakita ang mga alitaptap na sumasayaw sa ere.

Sa kabila ng magandang gabing iyon, di padin makatulog ang babaeng taga Isla Sierro. Nakahiga sa sahig ng sala, nakatutok lamang sa kisame at hinayaan ang kanyang utak na mag-isip ng malalim. Kasama nya ang kanyang kaibigang maliit na kanina pa sinusundan ng lipad ang mga alitaptap.

"Nandito ka lang pala."

Tinignan ni Lean ang papalapit sakanya, napagtanto niyang si Leo lang pala ito at bumalik ulit sa kanyang paghiga.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now