Chapter 18: Welcome Back To The Academy

990 50 2
                                    

Santi's POV

I was fascinated by the place itself, parang lugar na ang mga malikhain lang ang makaka-imagine. Pero ngayon, I can't believe my eyes. Para kaming nasa langit, abot ko na ang mga ulap atang presko ng hangin, wala kang maamoy na kahit ano kundi ang purong amoy ng kalikasan lang.

Ang kinatatayuan namin ngayon ay isang tulay na gawa sa mga marble bricks na umiilaw ng iba't ibang kulay. Tinignan ko ang buong paligid at medyo nagtataka.

"Saan nakapatong ang tulay?" Tanong ko sa kanila.

Walang ni-isa sa kanila ang sumagot sa akin na naging dahilan para pumunta ako sa gilid ng tulay at tignan kung ano ang meron sa ibaba. Pero ang nakikita ko lang ay ulap, di ko na matanaw kung anong meron man sa ilalim.

"Bakit nagdala kayo dito ng estranghero nang walang pahintulot?!" Rinig ko mula sa di kalayuan.

Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang malaking lalaki na naglalakad ng mabilis papunta sakin. Kinabahan ako bigla, mukhang galit na galit ito. Nako! may dala pang malaking espada.

Kwinelyohan nya ako at sa laki nyang tao ay napaangat nya ako bahagya sa aking kinatatayuan. Tinignan nya ako at itinutok ang kanyang espada. Shit! Wala akong ibang nagawa kundi ang magpumiglas at magmakaawa na huwag nya akong patayin.

"Horos! Wag mo siyang saktan!" Napatingin siya kay Hera. Pero hindi nya ito pinakinggan.

"Kung sino mang nilalang na dadaan sa lagusan ng walang pahintulot ay kailangang managot!" Sigaw niya at natalsikan pa ako ng laway.

"Teka lang! W-wag mo akong patayin! Tignan mo, kasama nila ako at wala akong masamang balak." Sabi ko naman at itinaas ang dalawa kong mga kamay.

"At bakit naman kita pagkatiwalaan?"

Tinutok pa nya ang espada sa aking lalamunan at bahagyang kilos ko lang ay matutusok na ako nito. Hay! Bakit ba at kamatayan ang palaging sasalubong sa akin?

"Horos, bitawan mo siya."

"Ms. Navona!" Sigaw nilang lahat.

Bigla akong binitawan ni Horos at bumati sa paparating na babae. Pati silang lahat ay bumati din habang ako naman ay inayos ang damit kong muntik nang mapunit.

"Paumanhin Binibining Navona, hindi ko naisip na-"

"Wala kang dapat ipagpaumanhin Horos, ginawa mo lang ang trabaho mo. Makakaalis ka na."

Tinanguan niya ang tinatawag nilang Ms. Navona at bago siya makaalis ay tinignan nya muna ako ng masama. Pa as if naman akong di natakot kahit alam ko sa sarili ko na muntikan na ako dun. Pero mabuti nalang talaga at dumating ang magandang babae.

"Santijhino? Kung di ako nagkakamali." Panimula nya.

"O-opo, ako nga po yun."

"Well, shall we all proceed to the academy?"

Una siyang naglakad at isa isa silang sumunod, bago pa nila ako maiwanan ay hinila ako ni Hera. Binawi ko naman ang kamay kong hila hila niya.

"I can manage." Sabi ko.

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

"Good." Sagot niya.

Sumunod na kaming dalawa at pagkaraan ng ilang minuto ay tanaw ko na ang patutunguhan namin. Dun ko nakita na may naghihintay sa aming isang karwahe. They knew we were coming.

Pero sa gitna ng aking paglalakad, napaisip ako. How can there be land if we're up here in the sky? Mukhang imposible naman yun.

"Wala ka na sa mundo mo Santi." Biglang sabi nung isa naming kasama, di ko alam ang pangalan nya.

Aviara AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum