Chapter 6: Few Secrets

1.5K 70 3
                                    

"Your visions will become clear only when you can look into your own heart. Who looks outside, dreams; who looks inside, awakes"-C.G. Jung
----------------------

Lean's POV

Lumabas ako ng kwarto at hinanap sila Leo, nakita ko silang nag-uusap sa dining table. By the way, ang structure pala ng aming dorm ay malaki-laki, may salas, kusina at dining table, limang kwarto na may banyo bawat isa, at balcony na gilid lamang ng salas.

"Lean!" Pagtawag sa'kin ni Cassandra. Pinuntahan ko sila.

"Dahil pinakita mo sa'min ang kagandahan ng Isla Sierro, ngayon ay kami naman ang magpapakita sa'yo sa kagandahan ng Isla Shon."

"Gusto ko 'yan Cassandra! Kung pwede, dadalhin natin si Hera."

"Oo naman, bakit hindi?"

Tumango ako at pinuntahan agad si Hera. Naabutan ko siyang nagliligpit ng kanyang mga gamit. Sinabihan ko siyang itigil muna yan at ituloy nalang pagkatapos ng lakad, sumang-ayon naman siya.

Nang handa na ang lahat ay lumabas na kami at inuna nila kaming dalhin sa kabuoan ng academy. Dinala nila kami sa mga building kung saan ang mga classrooms, dining hall, dorms, at faculty building.

Sunod naman ay dinala nila kami sa pinasukan naming dome kanina na kung tawagin nila ay aviary o lalagyan ng mga ibon, at sa academy field at sa mga training area. May forest din ang academy kung saan doon mag-standby ang ilang mga estudyante, may garden ito sa gitna, kaya ang gandang tignan.

Dinala pa nila kami sa kung saan at sadyang nabibighani ako sa kabuoan ng academy, kumpleto sila ng mga facility. Walang-wala ang mga paaralan doon sa Isla Sierro.

Nang matapos kami sa academy ay lumabas naman kami at pumunta sa bayan. Hindi gaya ng Isla Sierro, ang bayan dito ay nakapalibut sa isang burol na pinalibutan ng mga bulaklak.

"Ang ganda!" Tanging nasabi naming dalawa ni Hera.

Dumiretso kami sa mga tindahan ng mga pagkain. Tinignan muna namin ang presyo ng bawat produkto at ang mahal! Puro gintong barya ang ibabayad o katumbas ng 100 na pilak. Masasayang lang ang pera ko.

"Ako muna ang magbabayad ngayon." Tugon ni Leo.

Sa bawat tindahan na aming pinupuntahan ay may bibilhin siya, parang hindi siya nauubusan ng barya.

"Wag kang magugulat Lean. Kaya madaming pera si Leo because everytime we go on a mission, the school give us points which is the money, and one mission is equals to a hundred gold coins, and Leo has many solo missions so that's why he's having that much money." Pag-explain sa akin ni Cassy.

"Ah, ganun ba?"

"You can get points too, if you go on a mission."

"Paano naman ang ibang students na hindi makagawa ng misyon?"

"They have another way to gain points. Every last day of the month, the school counts the points every student get from the scores they got in every quizzes and other academic activities. If they scored 100 over-all, that's the equivalent of the gold coins they get."

"Ang galing!!!" Parang bata kong sagot.

Dahil sa kanyang sinabi ay mas naging porsigido akong mag-aral doon. Ang makukuha kong pera ay pwede kong ipadala sa pamilya ko.

Naglakad pa kami sa kung saan hanggang narating namin ang pinakatuktok ng burol. May garden doon at pinalibutan ng mga bench.

Doon kami nagpalipas ng oras hanggang sa dumating na ang dapit-hapon at masisilayan na ang silhouette ng academy. Para akong nanaginip.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now