Chapter 23: The Book (Part 2)

750 53 2
                                    

Lean's POV

"So you can communicate with others through your mind. What about other sprites? Paano? Hindi naman nakasulat dito." Tanong ko kay Lilyth habang nakatingin padin sa aklat, hoping to get the answer of my question.

Sinagot nya naman ako na naririnig ko lang sa aking isipan.

"Ahhh, di mo pa nasubukan? Why?"

Tinignan nya ako at nalungkot ako sa kanyang sinabi.

"Paumanhin Lilyth, hindi ko alam na namuhay ka lang palang mag-isa."

Umiling sya at nagsabi na walang problema, pero alam ko na malungkot din sya sa kaloob-looban.

Nagbasa pa ako ng nagbasa at nakita ang mga lugar kung saan karaniwang naninirahan ang mga sprites. May kagubatan, sa mga anyong tubig, at sa bukanan ng bulkan.

Nakaukit din doon ang anyo ng sprite, mula sa mga pakpak nito hanggang sa mga paa. Sa aking mga nakita ay napansin kong walang dede at reproductive organ ang mga sprite, which made me think. Paano sila magkaroon ng anak? Magparami?

Naiwan padin ang tanong ko at lumipat sa sumunod na pahina, may larawan ng isang puno, napakalaking puno.

Crann Beatha

"Anong ibig sabihin nun?"

Hinanap ko sa mga sumunod na pahina ngunit walang nagpapakitang impormasyon ukol dito. Hindi ako mapakali at di pwedeng iiwanan ko nalang ang impormasyong ito at lilipat sa kabilang pahina.

Tumayo ako at naghanap ng mga aklat na makatutulong upang masagot ang aking mga tanong.

May nakita akong isang libro na naglalaman ng mga pahina tungkol sa lahat ng mga puno sa Avalon. Kinuha ko ito at agad na tinignan ang talaan ng nilalaman.

"Crann Beatha." Paulit-ulit kong sambit at nandun nga ang hinahanap ko.

Kinuha ko ang libro at bumalik sa aking kinauupuan. Dumiretso ako sa pahima kung saan nakasulat ang mga impormasyon ukol sa puno na ito.

"Crann Beatha, o kilala din bilang Tree of Life." Pagbasa ko.

"Karaniwan itong matatagpuan sa sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga nilalang na tinatawag na sprite. Maaring sa kagubatan, sa mga mabababaw na bahagi ng mga anyong tubig, at sa bukanan ng bulkan."

Napatanong ako sa aking isipan kung saang lugar kaya naninirahan si Lilyth. Pwede ko ba itong puntahan?

"Mula sa mga bulaklak ng punong ito, nabubuo ang isang sprite sa pamamagitan ng mahika. Walang nakakaalam kung paano ito tumubo at kung saan ito nagmula."

Yun lang? Wala nang ibang impormasyon ang nagpakita sa librong ito. Naghanap ako ng ibang aklat ngunit wala nang nagpapakitang impormasyon tungkol sa Crann Beatha.

Tinabi ko nalang ang mga librong ito at bumalik sa aklat tungkol sa mga nilalang. Tinignan kong muli ang litrato ng punong ito at napagdesisyonang lumipat nalang sa sumunod na pahina.

Nakita ko doon ang iba't-ibang litrato ng mga sprite. May kulay asul, meron ding kulay berde at pula, lahat sila ay halos parehas lang ang wangis ngunit iba iba naman ang kanilang mga pakpak.

"Agua." Pagbasa ko sa pangalan ng mga sprite na kulay asul at nakapwesto ito sa isang puno na nasa gilid ng isang danaw.

Sunod naman ay ang mga Pietra, sila ang mga sprite na kulay pula at naninirahan sa bukanan ng bulkan at kilala bilang mga teritoryal na nilalang. Ibig sabihin ay walang basta bastang makakalapit sa kanila.

Lynf naman ang tawag sa mga sprite na kulay berde. Matatagpuan sila sa mga kagubatan at karaniwang dahilan kung bakit maliligaw ang kahit na sinong dadaan sa kanilang lugar. Ngunit, kung hihingi ka naman ng tawad o permisong dumaan, walang mangyayari sayo.

Aviara Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें