Chapter 27: Avicon

728 36 3
                                    

Third Person's POV

"Hindi ko inakalang magkakilala pala kayo." Nakangiting sabi ni Ms. Navona kay Professor Donaldo.

"Oo, I was the one who took care of him when he was in the orphanage, and a good friend of his family."

Tinignan ni Donaldo si Santi at hinimas ang ulo nito.

Nagulat si Santi nung tumunog na ang kampana, hudyat para magsisimula na ang kanyang unang klase.

"Mr. Gomez, kailangan ko na pong pumunta sa klase. Mamaya nalang po!" Pamaalam nya at patakbong pumunta sa kanilang silid.

Walang ibang nagawa si Donaldo kundi ang ngumiti nalang, di nya ito binitawan ng tingin hanggang sa mawala si Santi.

Tinawag sya ni Ms. Navona at dumiretso na silang dalawa sa opisina ng punong guro. Panay tingin si Donaldo sa mukha ni Navona, at bumalik sa kanyang isipan ang mga eksena noong kabataan pa nila.

Pinaupo sya ng punong guro at binigyan ng isang tasa ng tyaa. Tinignan nya lang ito at hindi tinanggap.

"You don't need to serve me anything though."

"Just take the tea, sayang." Nilapag ni Navona ang tsaa sa mesa at nagtimpla ng isa pa para sa kanyang sarili.

"Yes maam." Mabilis na pagsagot ni Donaldo at tinanggap ang tyaang inabot sa kanya.

Pagkatapos nyang uminom ay naging seryoso ang kanyang awra. Pinaupo niya si Navona at katahimikan muna ang bumalot bago sya nagsalita.

"How can you still be this beautiful? Samantalang ako....."

Nagulat si Miss Navona at binato kay Donaldo ang unan sa kanyang likoran.

"Wag ka nga, everyone knows that that's not your true form. Magseryoso na tayo, di na tayo mga bata Donaldo."

Tumawa si Donaldo sa kilos ni Navona, pagkatapos ay nagbago sya ng anyo at naging seryoso ulit ang kanyang mukha.

Hinanda nya muna ang kanyang lalamunan bago simulan ang kanilang usapan. Si Navona naman ay unti unti nang kinakabahan sa nakikita nyang mukha ni Donaldo, sa ekspresyon nito'y masasabi na nyang seryoso ang ang pag uusapan nila ngayon at minsan lang nagseseryoso so Donaldo kung sya ang kausap.

"Hindi ako bumalik dito ng walang dahilan Navona." Pagsimula ni Professor Donaldo.

"Sa mundo ng mga tao, may mga reaper akong nakalaban." Sunod nya.

Nabitawan ni Navona ang kanyang hawak hawak na tsaa at di makapaniwala.

"Ano?!" Gulat na napatayo si Miss Navona sa kanyang narinig.

"Paano sila nakapunta doon?!"

Umiling si Donaldo, na parang nagsasabing hindi nya din alam. Ngunit may naisip na syang dahilan noong nandun pa sya sa mundo ng mga tao, at baka ito nga ang sagot sa tanong kung bakit may mga reaper doon.

"Hinala ko ay dahil ito sa pagtatagpo ng dalawang mundo noon, that's the only explanation."

Tinignan ni Navona si Donaldo.

"If that's so, hindi sila makatatawid mula doon papunta dito. I mean they can't open a portal, hindi ganun kalakas ang kapangyarihan nila." Sabi ni Navona.

"I doubt that."

Napahinto si Navona sa naging sagot ni Donaldo. Tinignan sya nito at suot ng lalaki ang nag-aalalang mukha.

"Anong ibig mong sabihin Donaldo?"

Pumunta ang propesor sa mga naglalakihang bintana ng opisina ng punong guro. Tumingin sya sa kawalan at nagbuntong hininga.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now