Chapter 2: That Unexpected Twist

2.7K 120 2
                                    

"What's meant to be will always find a way" -Trisha Yearwood
--------------

Lean's POV

Gumising ako ng wala sa oras nang may narinig akong sumitsit sa labas. Dali-dali akong bumangon at tumingin sa labas ng bintana.

Pinuntahan ko ang higaan ng mga kapatid ko at nakita silang mahimbing na natutulog. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan sila mama at papa.

Sumilip ako sa kanilang kwarto at nakitang mahimbing din na natutulog, sumisinok pa ang papa na parang pagod sa trabaho.

Lumabas ako ng bahay at napansing medyo madilim pa. Nilibot ko ang paningin ko at umaasang makita ang sumitsit, pero wala.

Muli na namang may sumitsit sa may kakahuyan. Dahil sa pagkamausisa, sinundan ko ito hanggang palalim na palalim akong dinala nito sa kagubatan.

Nilibot ko ang aking paningin at hindi ko na alam kung nasaan na ako. Mukhang malayo-layo na ito sa bahay.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtapid ng mga natutuyong dahon. Naging relaxing din ang atmosphere dahil sa mga huni ng ibon at tunog ng mga nalalaglag na mga dahon.

Natigilan ako nang may narinig akong mga yapak sa di kalayuan, at mukhang tumatakbo pa ito base sa aking narinig. Sinundan ko ito. Bakit ba nangyayari ito sa'kin?

Binilisan ko ang pagtakbo at hinanap ang kanina ko pang sinusundan. Huminto ako para magpahinga. Tinignan ko ang paligid, napagtanto kong may papalapit sa akin. Unti-unti lumalakas ang ang kaluskos sa mga natutuyong dahon.

Lumingon ako sa likuran ko at may biglang lumabas na ibon mula sa kung saan. Akala ko magkabanggaan kami pero nagulat nalang ako nang lumagpas ito sa aking katawan na parang wala lang. Sumunod naman ang paglabas ng isang lobo at ganun din ang nangyari.

Ano bang nangyayari? Isa na ba akong kaluluwa? Patay na ba ako?

Tinignan ko ang mga kamay ko, wala namang kakaiba. Sinundan ko ang lobo at nakitang huminto ito, parang may hinahanap. Hindi kaya ang ibon ang hinahabol nito?

Lumingon ang lobo sa'kin, unti-unti itong lumalapit habang ako naman ay paatras ng paatras. Tumakbo ito patungo sa tinatayuan ko at akala ko'y aatake ito sa'kin pero hindi pala, nilagpasan nya lang ako na parang hindi ako nakita. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa nawala na ito.

Sunod naman ay biglang lumabas ang ibon at muling lumipad ng napakabilis, hinabol ko naman ito at naabutang nagtatago sa mga damo. Parang may tinitignan sya, sinundan ko ang kanyang tingin at nakitang may nakatayo sa di kalayuan.

Teka....... ako ba yan?

Pamilyar ang kaganapang ito. Parang nangyari lang ito kanina. Tinignan kong mabuti kung ano ang susunod na mangyayari. Tama nga ang hinala ko! Ito yung oras na galing ako sa bayan!

Tumingin ako sa ibon at nagulat nalang ako nang may biglang lumabas na bilog sa kanyang dibdib. Lumutang ang bilog na bagay at biglang natapon sa kung saan, sunod namang nangyari ay unti-unting nawawala ang ibon at tanging piraso nalang ng balahibo nito ang natira.

Sinundan ko naman ng tingin ang aking sarili na ngayo'y naglalakad na. Alam ko na ang mga susunod na mangyayari, at napaisip ako. Nakokonekta ko ang lahat ng mga pangyayaring iyon, may natanto ako.

Kinapa ko ang aking bulsa hanggang naramdaman ko ang bagay na aking hinahanap. Tinignan ko ito ng maigi, mula sa mga maliliit na detalye hanggang sa panglabas na anyo.

Hindi kaya'y? Napaisip na naman ako ngunit binura ko rin ito. Hindi naman ito maaari, alam ko na wala ako sa posisyon para maging isang ganap na aviara.

Tinignan ko ulit ang bola. Sa pagkakataong ito, naging mas maliwanag na sa loob ng bola at unti unti itong nawawala sa aking palad.

"Nasaan na?" Tanong ko sa'king sarili.

Kinapa ko ulit ang aking bulsa at sa ibang bahagi ng katawan ko, umaasang makikita ito pero wala. At sa aking pagkakatayo, may naramdaman akong sakit sa buo kong katawan. Napaupo ako dahil nawalan ng lakas ang mga paa ko at napahiyaw dahil nakaramdam na naman ako ng sakit.

"Ahhhhh.....may pamilya pa ako....hindi pa ako pwedeng ahhhhhh.... mawala!" Napasigaw nalang ako.

Nanghihina na ako na parang ilang saglit nalang ay mamamatay na ako. Unti-unti nang nangingitim ang aking paningin. Sumuko ako. Sumuko ako sa dilim na unti-unting lumalamon sa akin.

Sumuko ako, ngunit ang diwa sa kaluob-luoban ko ay nananitiling gising. May nag-udyok sa'kin na lumaban, at yun nga ang ginawa ko, na kahit wala na akong maramdaman, umaasa pa'rin akong sa lalong madaling panahon ay bubuka rin ang mga mata ko.

*
*
*
*
*
*
*
*

Na-alimpungatan ako sa kinahihigaan ko at medyo nahihilo. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, parang galing torture na may kasamang pagmamanhid.

Tinignan ko muna ang paligid at napagtantong nandito ako ngayon sa kwarto naming magkakapatid. Bumalik ang mga nangyari kanina, ngunit ang kaibahan lang, umaga ngayon.

Tinignan ko ang pintuan, kanina pa may kumakatok. Hindi ako kumibo, bagkos ay nananatili lamang akong nakaupo sa'king higaan.

"Lean, bumangon ka na. Tanghaling tapat na't hindi ka pa kumakain." Boses ni mama.

"Susunod na po ako ma." Malumanay kong sagot.

"Okay ka lang ba? Ba't parang may sakit ka?"

"Okay lang po ako. Boses lang ng bagong gising."

"Oh sya sige. Sumunod ka na ha?"

Humikab muna ako at nag-unat bago tumayo. Nagulat ako nang nakita ang sarili kong hubo't-hubad. Dali-dali kong kinuha ang kumot at ginawa itong saplot.

Nakaramdam ako ng mabigat sa aking likuran, kinapa ko ito ngunit di ko abot. Pumunta nalang ako sa salamin at titignan kung ano ang meron.

Third Person's POV

Bumaba na ang mama ni Lean saka dumiretso sa kusina para maghanda ng tanghalian. Binilisan nya ang kilos nang sa gano'y makaabot pa ang kanyang anak sa trabaho.

Nasa kalagitnaan na sya sa pag-aayos ng lamesa nang nakirinig sya ng pagbagsak ng salamin. Unang naisip nya si Lean at sya'y nagmamadaling umakyat sa kwarto nito.

"Lean, anong nangyayari dyan?"

Kumatok siya ng isang beses at nasundan pa ng isa nang hindi sumagot si Lean. Patuloy nya itong tinatawag at ang narinig lang nya sa luob ay mga nagbabagsakang mga gamit.

"Lean! Itigil mo na ang kalokohang ito!" Galit nyang sambit ni Lean.

Binuksan ni Lean ang pinto, ngunit hindi pa nya pinakita ang loob. Dahil nawalan ng pasensya ang mama nya, tinulak nito ang pintuan at nakita nito ang binagyong kwarto ng anak.

"Anong nangyari dito?!" Hindi makapaniwalang sambit nito.

"M-ma......" Napalingon sya sa kanyang anak.

Literal na napagsak sa sahig ang kanyang ina, hindi makapaniwala sa nakikita. Nakaramdam sya ng saya at takot.

Saya, dahil sa wakas ay napili ang kanyang anak. Takot, dahil baka mawala ito sa kanyang mga bisig, takot na balang araw ay mawala ito at tuparin ang tadhanang para sa kanya.

Tumayo sya at mahigpit na niyakap ang kanyang anak, at doon niya binuhos ang kanyang mga luha.

Sa bisig ng kanyang ina, napaisip si Lean. Mukha syang nalilito ngunit sa kanyang kaluob-looban ay naiintindihan na nya ang mga nangyayari.

Umihip ang malakas na hangin at nagliparan ang mga malilit na balahibo sa kanyang pakpak. Tinignan nya ito.

Sa di inaasahang panahon, napili nila ako. I've been blessed. Blessed by an unknown bird. I'm destined to have a great responsibility. Sa tanang buhay ko, hindi ko lubos maisip na mapipili nila ako..........I'm destined to be a pure aviara. Sa isip ni Lean.

Sa puntong iyon, napa-ngiti sya.

"Wings, I'm destined to have wings."

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now