Chapter 26: The Return

818 44 0
                                    

Third Person's POV

Sa kailaliman ng gabi, masayang nagdiwang ang mga kampon ng kadiliman sa kanilang lugar na kung tawagin ay Morros, isang isla kung saan nilalagay ang mga abandoned at walang makikitang kahit na anong buhay na halaman o hayop, maliban nalang sa mga itinatapon dito.

Naghiyawan ang lahat at pinalilibutan ang kanilang bagong brilyante habang sumasayaw dito. Masaya sa kanila ang pagdiriwang na ito sapagkat malapit na nilang makamit ang kanilang pakay, ngunit malungkot naman sa mga salamangkero ng Leighmanor. Hindi lang ang kanilang brilyante ang nawala, kundi ang buong Leighmanor, kasama na dito ang mga salamangkero.

"Panginoon, ano na po ang susunod nating gawin?" Tanong ng isang reaper sa kanilang pinuno.

Hindi ito sinagot ng kanilang pinuno, ngunit tumawa ito at tumayo, suot nito ang isang itim na balabal na may bahid ng mga dugo ng kanyang pinapatay. Nakadikit sakanyang ulo ang mala demonyong sungay na halos kasing tulis na ng isang espada. Ang kanyang balat naman ay parang balat ng isang dragon na punong puno ng mga galos mula sa kanyang mga kalaban.

Tinignan nya ang kanyang mga sakop, nagsitahimik naman ang lahat at handa nang makinig sa kung ano mang sasabihin ng kanilang pinuno.

"Aking mga anak! Ngayong gabi, ating ipinagdiriwang ang ating tagumpay sa pagwasak ng Leighmanor. Ngayon ay nasa atin na ang topaz, ang brilyante ng mga salamangkero. Kaya sa gabing ito, ating tunghayan ang pagsama-sama ng ating brilyante at brilyante ng mga salamangkero nang sa gayo'y tayong mga itinapon dito sa Morros ay magkaroon ng kapangyarihan na walang makakahigit!" Sabi nito at tumawa. Nagsigawan naman ang lahat at nag ingay gamit ang kanilang mga sandata.

Lumapit ang kanilang pinuno sa kinalalagyan ng topaz, hinawakan nya ito at nabibighani sya sa ganda na ipinapakita ng brilyante.

"Maganda ka brilyante, ngunit pagkatapos ng ritwal na ito ay mas gaganda ka pa." Sabi ng pinuno sabay palabas ng ruby, ang brilyante na ninakaw niya mula sa karagatan.

May mga kataga syang ibinanggit at biglang lumapit ang ruby sa topaz, lumiwanag ang dalawang brilyante at nagpaikot-ikot ito sa ere. Biglang nagkaroon ng isang malakas na liwanag at yumanig ang lupa.

Kahit ganun ang sitwasyon ay tuwang tuwa padin ang mga reaper at may iba pang naghihiyawan.

Nung unti unti nang nawawala ang liwanag ay tumahimik ang lahat at naghintay kung ano ang magpapakita sakanilang harapan.  Nakapako lang ang kanilang atensyon sa harapan at hinanda na ng pinuno nila ang lalagyan ng bagong brilyante.

Ilang sandali pa ay nawala na nga ang liwanag at bumungad sa kanila ang isang kulay itim na brilyante, may parang pulang usok sa loob nito.

Hahawakan na sana ng pinuno ngunit nagulat sya nung lumabas ang usok at dumami ito, saka pinalibutan silang lahat. Nakaramdam sila ng isang namumuong lakas sa kanilang kaloob looban at napatawa nalang sa nararamdaman.

Ang kanilang katawan ay mas lalong lumaki at ang ugat na dumadaloy sa kanilang kaloob looban ay mas mas kita na ngayon.

Itinutok ng panginoon ang kanyang kamay sa isang reaper. Balak nyang subukan ang kanyang panibagong kapangyarihan at makita kung ito kalakas.

Namumuo ang isang itim na bola sa kanyang palad at saka itinira ito sa reaper kung saan nakatutok ang kanyang kamay. Tumakbo ang reaper papunta sa isang bundok ngunit sinusundan padin ito ng itim na bola, hanggang sa naabutan sya nito at nakalikha ng isang malaking pagsabog. Dahil sa pagsabog na iyon ay nawala ang halos kalahati ng bundok.

"Sa wakas! Nagtagumpay tayo!" Sigaw ng pinuno nang nakita ang kayang gawin ng kanyang bagong kapangyarihan.

Nagsigawan ang lahat at bumalik na sa kanilang pagdiriwang nung inilagay na ang bagong brilyante sa isang tungkod na hawak-hawak ng kanilang pinuno.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now