Chapter 28: The Shield Of Tesa

694 39 1
                                    

Third Person's POV

"Ilang araw nalang at mapapasaatin na ang brilyante ng Elvar. Kaya ipagpatuloy nyo ang inyong pagsasanay, walang oras na dapat sayangin."

Naghiyawan ang buong kampon ni Asdal at itinuloy ang kanilang pagsasanay sa bago nilang kapangyarihan. Di naman maitago ang pag-aalala sa mukha ni Navona, kitang-kita nya ang dami ng mga kampon ni Asdal at sigurado syang hindi maganda ang kahahantungan nito.

Matagal na nyang pinagmasdan ang mga galaw ni Asdal gamit ang kanyang abilidad na Astral Projection kung tawagin. At sa kanyang pagmamasid ay hindi parin nya batid kung paano sila dumami at kung paano sila nakabangon muli magmula noong natalo sila sa labanan ng kanilang mundo. Parang may kulang sa lahat ng kanyang mga nakikita.

Sinundan nya si Asdal papunta sa kastilyo nito, ngunit pagpasok nya ay wala na syang nakitang kahit sino man, mag-isa nalang si Navona sa silid na iyon. Dismayado syang bumalik sa kanyang katawan at nang minulat na nya ang kanyang mga mata, tatlong naguguluhang estudyante ang kanyang nakita.

"Miss Navona, if you don't mind me asking, why are you performing a forbidden spell?" Tanong ni Cassandra.

"Isn't dark magic illegal?" Sunod naman ni Leo

"I'm sorry you need to see that my dears, but I only use it to invisibly spy on the abandons." Sagot naman ni Navona.

"Yan po ba ang rason kung bakit mo kami pinatawag miss?"

Tumango si Navona at umupo sa kanyang upuan, pinaupo nya din ang tatlong estudyante at sinimulan na ang kanilang usapan.

"The seniors of your flock are still recovering, since you three are the best in your class, I am sending you to Elvar to help the elves."

Nagtinginan ang tatlong estudyante at imbes na matakot, ngumisi ang mga ito at sabik nang makapunta doon. Malaki-laking puntos din ang makukuha nila dito at gustong gusto nadin nila makalabas ng academy, wala na silang ibang magawa pa dito.

"Paano namin mahanap at mapapasok ang Elvar headmistress?" Tanong ni Leo.

"Sa pagkakaalam ko'y di makikita ng mga taga labas ang lugar nila sapagkat may balakid na nagtatago sakanila." Sunod nito.

May kinuha ang punong guro sa ilalim ng kanyang lamesa, sinundan ng tingin ng mga estudyante si Navona at namangha sa ipinakita nitong bilog na bagay.

"Gamitin ninyo ang kumpas na ito, sundin nyo lang ang ituturo nito at mahahanap nyo na ang Elvar."

Tinanggap ito ni Leo at nangakong iingatan nya ito. Sunod naman na kinuha ni Navona ay isang balumbon, may marka ito ng Aviara Academy.

"Ibigay nyo ang sulat na ito sa kanilang pinuno, nang sa ganun ay maniniwala sila sainyo. Basta wag nyong buksan hanggat di nyo pa nabibigay."

Tumango naman ang dalawang estudyante, dahil kampante si Miss Navona sakanila ay diretso nya itong iniabot. Paaalisin na nya sana ang tatlo nang biglang nagsalita si Jiro.

"Miss Navona, I'm sorry but I can't go."

Tinignan sya nina Cassandra at Leo, si Miss Navona naman ay natahimik, sa pagkakaalam nya'y di tumatanggi ng kahit na anong misyon si Jiro.

"Someone has to stay here, lalo na at nagpapagaling pa ang mga senior. Ngayong alam ko nang may binabalak ang ating kalaban."

Walang ibang nagawa si Navona kundi ang sumang-ayon nalang sa sinabi ni Jiro, ang dalawa naman at napangiti nalang.

Pagkatapos ng kanilang usapan ay nagpaalam na sila kay Miss Navona. Dumiretso sa kanilang dorm si Leo at Cassandra para maghahanda ng kanilang pag alis kinabukasan.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now