Chapter 11: Few Revelations

1K 56 1
                                    

"Some things are so unexpected that no one is prepared for them" -Leo Rosten
_______________

Leo's POV

I kept on smiling while looking at Lean's face, she's actually sleeping right now. Hindi ko magawang pigilan ang pagngiti, maybe I'm just thankful that she's okay. Sa lahat ng kanyang pinagdaanan ay nagpapasalamat talaga ako na okay lang siya.

"Matutunaw si Lean kung patuloy mo siyang titignan ng ganyan." Biglang sabi ni Cassy.

"H-huh?"

"Alam mo? Nagseselos ako tuwing magkasama kayo ni Lean."

Tinignan ko siya at tumawa ako. That was too straight to the point. But I know she wasn't serious though, palagi nya lang akong sinasabihan ng ganyan tas kalaunan ay sasabihan nya akong nagbibiro lang siya.

"I know it's funny but it's true Leo. I'm serious this time." Seryoso nyang sabi habang nakatalukbong.

"Dahil ba sa nawalan na ako ng oras sa inyong dalawa ni Jiro?"

"No, not as a friend but as a girl, nagseselos ako."

Natahimik ako at napatingin sa kanya. Pero hindi ako nagulat sa pagkatotoo lang, matagal ko nang alam na may gusto si Cass sa akin. Hindi man niya pinakita ngunit nahahalata naman.

"Please excuse me." Sabi nya at lumabas ng kwarto. Susundan ko sana siya ngunit napahinto ako sa harap ng pintuan nang may pumasok dito.

Tinignan ako ni Jiro na parang nagsasabing wag ko munang sundan si Cass. Kahit gusto ko man siyang sundan ay sinunod ko nalang si Jiro, total mas kilala niya si Cassy kaysa sa akin.

"Matagal na Leo, pero patuloy mo lang siyang binabalewala." Mahinang tugon ni Jiro.

"Alam ko Jiro. Pero....."

"Gusto mo si Lean."

Natahimik ako at tinignan siya. Seryoso lang siyang nakatingin kay Lean, walang pinapakitang kahit anong emosyon.

"Since you first met her, until now. Mas lumakas pa ito nang naging mas malapit pa kayo sa isa't-isa." Sunod nya.

"Are you reading my past without my permission? Stop using your abilities on me Jiro." Sabi ko ng may awtoridad.

"I can use my abilities whenever I want to Leo. Stop being so immature."

Kwe-kwelyuhan ko na sana siya nang narinig namin si Lean. Tinawag niya kaming dalawa.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong niya.

Nagtinginan muna kami ni Jiro bago sumagot.

"Wala, just a little misunderstanding." Sagot ni Jiro na sinang-ayunan ko.

"Nasaan na si Hera?"

"Nasa labas pa sya Lean. Maghahanap lang daw sya habang mataas pa yung araw." Sagot ni Jiro.

Muntik ko nang makalimutan. May misyon pa pala kaming kailangang tapusin. Tas ito ako ngayon, inaaway yung matalik kong kaibigan.

"Maghahanap din ako. Bantayan mo si Lean, Jiro." Huling bilin ko at diretsong lumabas ng ward.

Santi's POV

"Congratulations, your bones are fully healed in such a short period of time. What can I say, miracles trully happen." Sabi ng doktor pagkatapos nya akong tignan.

"Pwede ka nang maglakad-lakad sa hospital if ever you feel bored in here." Sunod niya.

Tumango ako at nginitian siya, yan nalang ang magagawa ko ngayon. Mabuti nalang at si Mr. Gomez ang kasama ko ngayon, nagawa ko pang ngumiti kahit papaano.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now