Chapter 19: The Ring

891 46 0
                                    

Third Person's POV

Unang araw ni Santi sa Aviara Academy at di ito gaya ng unang araw nya dun sa paaralan nya noon. Aside sa may mga lumilipad na mga estudyante, ibang-iba ang atmosphere na nararamdaman nya ngayon at kailangan pa nyang mag adjust sa mga bagong bagay na makikita ng kanyang mga mata. Isa sa mga nakapagpagulat sa kanya ay yung pag-iba ng structure ng dorm at ang pagsulpot ng mga perfectly fit nyang mga damit na galing sa wardrobe ng kanyang kwarto. Maraming bagay pa ang nakapagpagulat sa kanya at kahit mahirap man, isa-isa nya itong ini-internalize.

Unang araw din nila Lean at Hera ngunit madali nalang para sa kanila na i-adapt ang environment since nauna sila dito, unlike Santi. Pero di maitanggi na sila din ay kinakabahan.

"Oh, I can see that we have three new faces here." Nasabi ng professor habang nakatingin sa likurang bahagi.

"Gagi, walang kawala dito." Bulong ni Santi kay Hera.

"Kaya nga, bat kasi 15 lang tayo dito?" Sagot naman nito.

"Don't worry though, di ko kayo papuntahin dito sa gitna. Mas mabuti kung ang mga kaklase nyo mismo makakilala sainyo, ngayon let's start our session." sabi ng professor.

Nakahinga naman ng maayos sila Santi at naibsan ang kaba na kanilang nadarama. Pigil tawa nalang si Leo nang nakita nyang pawisan ang buong mukha ni Lean, pero di nya ito pinapahalata since terror ang kanilang professor ngayon.

"Listen students, our lesson for today involves the other world. Who can give me a description about Earth?" Panimula ng professor.

Itataas na sana ni Hera ang kanyang kamay pero naunahan siya ni Cassandra na excited nang ilahad ang kanyang experience doon.

Umabot sa ilang minuto ang paglalahad ni Cassy at di nya nakalimutang imention ang nangyari kay Santi, dahil dito, napaisip ang binata kung ano nang nangyari sa kanyang stepmother doon at kung ano na ang pinag-gagawa nito. Pumasok din sa kanyang isip si Mr. Gomez, kung okay lang ba ito.

Habang mapayapang nakikinig si Santi sa kanilang professor, hindi naman mapinta ang mukha ni Claire sa kabilang mundo.

"Bakit sya nakatakas?!! Binigay ko sayo ang gawaing iyon dahil alam kong kaya mo yun! Explain yourself!" Sigaw nito.

"B-baby..."

"Wag mo akong ma-baby baby Froilan, gawan mo ito ng paraan!"

"May nalaman ako sa anak-anakan mo."

"Not interested."

Iniwan ni Claire si Froilan sa ere at padabog na lumabas ng kwarto. Hindi kumibo si Froilan hanggang sa nasigurado na nitong nakalabas na ng tuluyan si Claire.

May tinawagan siya sa telepono at habang naghihintay ay sinundan nito ang tinahak ni Claire, sa kanyang paghinto ay sakto din na sinagot na ng kabilang linya ang kanyang tawag.

"Hello?"

"Suran, kamusta na ang kondisyon nyo?" Sagot ni Froilan habang nakatingin sa lumalayong sasakyan ni Claire.

"Bumalik na ang aming lakas Froilan, mabuti nalang at di kami natuluyan sa away."

"Good. Maghanda kayo, let's pay a visit to our world."

Di sumagot ang kabilang linya, ngunit alam na ni Froilan na sumang-ayon ito sa kanyang plano. Bago pa man nya ibaba, may sinabi pa ito sa kanyang kausap.

"New target, we may have killed the wrong person years ago."

Pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag at pumasok ulit sa gusali na kung saan nya dinala ang nakatakas na si Santi.

Sa sasakyan naman ni Claire ay puro mura nalang ang maririnig sa loob, kahit ang driver ay natatakot na sa kung anong pwedeng gawin ni Claire sa kanya knowing na sya lang ang taong kasama nito.

Huminahon ang ina-inahan ni Santi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at nagpakita doon ang pangalan ni Mr. Gomez.

"Paki-alamerong matanda." Reklamo nito bago sagutin ang tawag.

Nag-iba ng tono ang kanyang boses nang bumati na sa kanya ang lawyer.

"Claire! Tinawagan ako ng ospital, nawala daw si Santi! Please tell me na alam mo kung saan sya."

"Ano?! Bakit sya nawala?! How can this be?! Mr. Gomez, anong gagawin natin?" Pag-aarte nito.

"Please stop acting Claire, I know you're the one behind all of these. You tried to kill Santi."

"What are you talkng about? Are you hearing yourself right now Mr. Gomez? You don't even have an evidence."

"I have."

Di sumagot si Claire, ngunit sa kaloob-looban nya'y umiinit na sa galit, malapit nang mapunit ang leather ng upuan dahil sa higpit ng kanyang paghawak.

"Remember your ring? You should double-check your belongings."

Natigilan si Claire at tuluyan na nga nyang pinunit ang leather ng upuan. Tinignan nya ang kanyang ring-finger at di makapaniwalang di napansin ang pagkawala nito.

Binalikan nya ang mga pangyayari at dun nya napansin na hinawakan pala ni Santi ang kanyang kamay bago ito nahulog sa bangin. Dun din nya natanto kung bakit di mawala ang mga mata ni Mr. Gomez sa kanyang ring-finger noong araw na yun.

"Mag-impake ka na Claire, ang kulungan na ang bago mong bahay."

Binaba niya ang tawag ng di nagdadalawang-isip at tinapon ang kanyang cellphone na syang dahilan kung bakit hininto ng driver ang sasakyan. Sumigaw si Claire at nagwawala na sa loob, dahil sa takot, lumabas ang driver at lumayo mula sa nagwawalang amo, di ito lumingon sapagkat alam nyang may baril si Claire.

"Pesteng driver wala kang silbi!"

Kinuha nya ang kanyang baril at lumipat sa driver's seat. Sa isip nya'y kailangan nyang iligpit ang paki-alamerong matanda na yun bago pa man ito makagawa ng hakbang upang sya'y makulong.

Para na syang nasa isang paligsahan sa bilis ng kanyang pagmaneho at nang makapunta na ito sa subdivision ng lawyer ay di muna siya lumabas ng sasakyan. It's work day so walang ni-isang tao ang makakita o makarinig man lang sa kanyang gagawin.

Paglipas ng ilang minuto ay nakita nya si Mr. Gomez na papasok na sana ng sasakyan, ngumisi si Claire nang nakahanap sya ng tyempo. Pumasok ulit ang lawyer sa bahay nito at sinundan naman ito ni Claire, dala-dala niya ang baril.

Nang pumasok siya ay nakita niya si Mr. Gomez na nakatalikod sakanya, mukhang may ginagawa ito. Habang abala ang lawyer ay itinutok na ni Claire ang baril sa ulo nito.

Tumahol ang karamihan ng mga aso sa subdivision nang narinig ng mga ito ang tunog ng baril. No one heard nor saw it.

A/N:

Hello po😅 sorry at natagalan ng update, naging busy po kasi😅..... pero please anticipate sa mga susunod pang chapters😉

-kimhyun

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now