Chapter 5: A New Student

1.7K 102 5
                                    

"And suddenly you just know....It's time to start something new and trust the magic of beginnings"-Meister Eckhart
_____________

Third Person's POV

"Santijhino! Magpakatino ka nga! Halos wala tayong kita ngayon dahil sa kadaldalan mo! Alam mo bang muntik na tayong ipademanda ng isang customer dahil sa panget ng service natin? Kasalanan mo iyon!" Sunod-sunod na sigaw ng manager kay Santi.

"S-sorry sir, hindi na po mauulit." Paulit-ulit na sagot ni Santi.

"Siguraduhin mo lang." Sagot ng manager bago lumabas ng kusina.

Nananatili lamang nakatayo si Santi sa harap ng pintuan. Hindi dahil sa napagalitan siya, kundi dahil ay binabalikan nya ang mga alaala nya sa kanyang kaibigan. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya makapagtrabaho ng maayos.

Bumalik siya sa realidad nang tinapik siya ng kanyang kaibigan sa trabaho. Tinignan niya ito sa mata. Ang nakikita niya ay ang kaibigan niyang umalis. At pumatak na naman ang kanyang mga luha.

"Tol, alam kong matalik mong kaibigan si Cath pero please lang, magpakatino ka. Sa ginagawa mong iyan, baka mawalan ka ng trabaho, ano na ang gagawin mo sa pang araw-araw mong kabuhayan?" Saad ni Don, kaibigan ni Santi, habang niyugyog siya.

Sa ginawa niyang iyon, may natanto si Santi. Tama siya, kung makikita ako ni Cath ngayon, hindi niya ito magugustuhan, magpakatino ka Santi. Sa isip niya.

Tinignang muli ni Santi si Don sa mata at ngumiti. Sinunggaban niya ito ng halik sa pisngi at dali-daling lumabas ng kusina. Nagulat si Don, kita sa kanyang mga mata.

"Sandali akong nabakla dun ah." Biglang tugon ni Don.

Lean's POV

"Ihanda mo nalang ang sarili mo, but no need to worry though." Saad ni Leo habang palapit ng palapit na kami ng Isla Shon.

"Handa na ako, pero nag-aalala ako lang ako sa kung anong uri ng entrance exam ang gagawin namin."

"Wag kang mag-aalala, as I told you before, the entrance exam is very easy, literally."

Tumahimik nalang ako, total siya naman talaga ang may alam sa mga ganito. Might as well trust him.

Sa oras na nakalapag na kami, sakto ding dumating na sila Cassandra na walang ibang dala kundi isang duffel bag.

"Hi." Simpleng pagbati ni Jiro. Tumango lang ako.

Lumakad na kami patungong academy at habang palapit ng palapit ay padami ng padami din ang mga estudyantang damadating, ang iba ay pasulyap-sulyap pa sa amin. Binaliwala ko nalang.

Nang makita ko na ang mga nagtataasang pader ng academy, nagsimula nang humarurot ang puso kong kanina pa nahihimatay.

"Malapit na tayo. Maghihiwalay tayo sa gate, so that means you're on your own starting there until the end of the exam. New students must go on the left gate and old students must go to the right gate." Pagturo sa'kin ni Leo.

Tinignan ko ang gate na may mataas na pila, baka iyun ang ipinahiwatig ni Leo na left gate. Napakaraming estudyante, at sa aking nakikita, lahat yata sila ay taga Isla Synna, ang tahanan ng mga may-kaya. May ilang pang nagbe-besohan at ilan naman ay nagtatawanan, mukhang ako lamang ang naiiba dito. Pero binaliwala ko nalang at sumali na sa pila habang sila naman Leo at ang ilang estudyante ay pumasok sa isa pang gate.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang nawala na sila.

"Good luck." Dinig ko sa aking isipan, at alam ko na kung sino.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now