Chapter 1: Footsteps and Heartbeat

5.6K 156 13
                                    

"The moment you doubt whether you can fly, you cease forever to be able to do it" -M. Barrie, Peter Pan
-

-------------

Third Person's POV

Nagmamadali sya.

Hinihingal at pagod na pagod nyang nilalayuan ang humahabol sa kanya.

Hindi sya pwedeng huminto sapagkat ikamamatay nya ito. Ngunit, sa kanyang pagmamadali, hindi na nya napansin ang kanyang tinatahak.

Tinignan nya ang kanyang likuran. Nakita nyang papalapit na ang humahabol sa kanya. Gusto nyang lumipad ng mas mataas ngunit hindi nya magawa, sapagkat madali syang makita ng kalaban.

May nakita syang naglalakad. Huminto sya at nagtago sa mga matataas na damo. Sa paghinto nya, huminto din ang nakita nyang babae at palinga-lingang nakatayo.

Hindi nya sinayang ang pagkakataon at pinalabas ang natatanging makakaligtas sa kanila. At sa isang iglap, nawala sya't umasa na makikita ng babae ang bagay na iniingatan nya.

Naabutan na lamang ng kalaban ang isang pirasong balahibo na galing sa kanyang hinahabol.

"Ahhhhhh!"

Nagtago ito nang marinig ang sigaw. Nang makita nya kung sino, sinundan nya ito.

******

"How was the enrollment Ms. Finner?" The headmistress asked one faculty member as she entered her office, still hoping for the perfect answer she's been longing for.

"Better than last year Ma'am." The faculty member answered while still checking her folders.

"Still nothing interesting?"

"Still nothing Ma'am. Not since Cassandra LaCosta from the Historia Flock. The special birds rarely give their blessing, five of our students are lucky that they were chosen."

The headmistress nodded in response and sighed in disappointment. Still nothing, she said in her mind. It's been a year since the special birds gave their blessings. Maybe they didn't find an aviara who is worthy enough.

She flicked her hands indicating for the teacher to exit the room. She bowed as a sign of respect and directly went out through the door.

After a while, she stood in front of the giant glass windows in her office, trying to gaze at the students walking around the academy fields.

"Looks like I'm going to wait a little bit more."

Lean's POV

Napatayo ako sa aking kina-hihigaan nang marinig ang mahihinang pagtawag sa'king pangalan. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng silid naming magkakapatid.

"Ano po ma?" Walang gana kong sagot.

"Bumili ka muna ng talong sa palengke para makapagluto na ako ng hapunan." Sagot nya.

Napa buntong-hininga nalang ako at bumaba ng hagdanan.

"Ilan po?"

"Ikaw na ang bahala."

Kumuha ako ng pambayad at walang ganang lumabas ng bahay. Malapit nang lumubog ang araw kaya pinabilis ko ang paglakad ko para hindi ako maabutan ng dilim.

Ganito ang buhay ko, bahay, trabaho, palengke. Pero kahit ganoon lang kasimple, masaya akong namuhay kasama ang aking pamilya at kontento na ako sa buhay na binigay sa'kin.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now