Chapter 10: We've Met

1K 55 0
                                    

"There's nowhere you can be that isn't where you're meant to be." -John Lennon

____________________

Third Person's POV

Nagmamadali si Ms. Finner patungo sa office ng headmistress. May kailangan siyang sabihin na tiyak na makakakagulat sa headmistress.

Hindi na siya nag-abalang kumatok at diretsong pumasok sa opisina. Bumungad sa kanya ang nakatungangang headmistress, umiilaw ang mga mata nito at nakalutang ito sa ere.

Sa mga pangyayaring kagaya nito ay alam ni Ms. Finner na hindi niya dapat guluhin si Ms. Navona. Hindi niya ito dapat galawin sapagkat mapuputol ang ritwal na ginagawa ng headmistress.

"Hindi niya dapat dito ginagawa ang ritwal, baka may makakita." Bulong ni Ms. Finner.

Hinintay na lamang ng guro na matapos ang headmistress sa kanyang ritwal. Hindi din naman ito nagtagal at pagkaraan lamang ng ilang minuto ay pumanaw din ang ilaw sa mga mata nito at nasa katinuan na din ito.

"Ms. Navona...." Panimula ng guro.

"Alam ko Ms. Finner. Kaya ko ginawa ang ritwal sapagkat kailangan ko silang tignan." Sagot ng headmistrsss kahit hindi pa natapos ang guro.

"But ma'am, are you sure that they can complete this mission?"

"I have faith in them Ms. Finner. I chose them because I know that they are fit for this task."

"Why didn't you send their seniors?"

"Because the S Class also have their own mission to complete."

Tumango lamang ang guro, alam nyang sa puntong ito ay maniwala na lamang siya sa desisyon ng headmistress. Tinignan siya nito ng may awtoridad, alam nyang gusto na ng headmistress na mapag-isa, kaya lumabas na siya ng office.

Nang nasa lobby na siya ay nadatnan niya si Mr. Periton na parang nagsaslitang mag-isa. Binati niya ito at buti nalang ay napansin siya nito.

"Mr. Periton, are you okay?"

"Y-yes Ms. Finner, just had an awful morning."

"Okay. But be careful, you might scare someone." Patawang sambit ng guro at dumiretso sa paglalakad.

"None of your business." Sabi ni Mr. Periton nang makalayo na ang guro.

Jiro's POV

It's been three days and we didn't even find a single trace about the aviara. Plus, we need to watch over Lean for the time being even though she always says she's alright, she's our top priority this time.

"Any findings?" Tanong ko sa kakapasok lamang na sina Leo at Hera.

We decided to continuously find the aviara, we're doing exchange places from time to time. This time, me and Cass are watching Lean while Leo and Hera went out to find the aviara.

"None. Hindi namin alam kung paano namin siya hahanapin, Ms. Navona didn't gave us a headstart, or a hint." Sagot ni Hera.

"Plus, we almost got lost but thank the goddess, Hera remembered the way." Dagdag ni Leo.

"Ako naman ang maghanap." Sabi ko.

"Ha? Hindi mo pa kabisado ang mga daan dito."

"It's okay Hera, I can remember the way."

Di na nila ako napigilan nang tumayo ako sa aking pagkakaupo at diretsong lumabas sa ward. Lalakad na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Hera.

Aviara AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora