Chapter 4: Before The First Day

2.1K 84 0
                                    

"It is not in the stars to hole our destiny but in ourselves" -William Shakespeare
---------------

Lean's POV

Lumipas ang mga araw at dumating ang Rainbow Festival. Mas naging abala ako dahil na rin bukas na ang pasokan, hindi ko tuloy dama ang festival. Practice dito, training doon. Nag advance teaching din si Leo sa'kin para daw handa ang aking utak sa entrance exam.

Dumating din sa punto na halos luluwa na ang mata ko dahil sa kakaiyak. Lupet kase magturo ni Leo, parang ibinaliwala nya ang pagkakaibigan namin. Pero kahit papaano, may natutunan naman din ako. Sabi nga nya na siya lang daw ang best person there is, at hindi ko naman maitanggi na magaling syang magturo, malupit nga lang.

Nang pumatak ang unang mahihinang ambon, sakto ding tapos na kami ni Leo. Tamang-tama din na makikita namin ang unang bahaghari ng taon na unti-unti nang nasisilayan.

Dumaan ang ilang minuto at perpektong kurba na ito. Lumiwanag ang buong kapaligiran, tawanan dito, kantahan doon. Hindi maitanggi na isa ito sa pinakamasayang araw ng taon.

"Well, that ends our session for today." Sabi ni Leo habang nililigpit ang mga gamit namin.

"Salamat Leo, salamat din sa damit, it works wonderful with the wings. At magsaya nalang tayo since today is our final day before classes starts." Bulyaw ko habang pasayaw-sayaw pa.

"Tama ka." Sagot nya at hinila ako papunta sa mga kasiyahan. Hindi nalang ako pumalag.

Pagdating namin sa bayan, halos hindi kami makalakad dahil sa mga napakaraming nagsisikan. Gusto sana naming lumipad, kaso baka maka-sakit kami dahil narin sa laki ng aming mga pakpak kaya tiniis nalang namin.

Napakasaya ng paligid, may ilang lasing na, hindi yung tipong nag-aaway na, pero yung tipong nagkakantahan, nagsasayawan at iba pa.

"Ang saya ng paligid, diba Leo?..........Leo? Leo?!"

Dahil sa kaka-tanaw ko sa kung saan-saan, hindi ko napansin na nagkahiwalay na pala kami ni Leo. Hinanap ko siya pero walang Leo ang bumulaga, paano kasi, ang liit ko lang kumpara sa mga nagsisiksikan.

Hindi ako makahanap ng daan palabas. Hanggang sa nawalan ako ng balanse at natumba sa gitna.

"Leo!!!!!!" Sigaw ko, pero mukhang hindi ako maririnig dahil narin sa mga tugtug ng musika.

"Kung makikita kita, patay ka talaga sa'kin!"

"Lean!" Rinig ko. Mukhang si Leo yun ah!

"Lean nasan ka na ba!"

Sarap sanang sumigaw pero hindi ko magawa dahil narin todo iwas ako sa mga paang tatapak sana sa'kin. Pinilit kong tumayo pero sakto namang hahamagin ako ng kung sino at balik ako sa puwestong kinalalagyan ko.

Kahit sino, tulungan mo ako! Sa isip ko. Sakto namang may huminto sa harapan ko at tinulungan akong tumayo, akala ko noong una ay si Leo pero hindi pala. Mukhang mas matangkad pa siya ng kunti kay Leo at may kagwapuhan din. Hindi ko naman maitanggi, para akong natulala doon habang nakatingin sa kanya.

Kinaladkad niya ako paalis sa mga nagsiksikan at pinaupo sa isang bench. Pinagpag nya ang dumi sa damit at buhok ko saka siya umupo sa tabi ko.

"Jiro!"

Sabay kaming lumingon sa sumigaw. Si Leo lang pala, may kasama syang babae.

"I don't know how you found her, but thanks."

"Nagkita na kami, kaya nakilala ko sya. I mean, nakita ko na sya noon. It's hard to explain but she can't recognize me at that time." Mahinahong tugon ni Jiro.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now