Chapter 24: Isla Sierro

691 42 0
                                    

Leo's POV

Pagkatapos ng klase namin ni Mr. Periton ay nakita ko si Lean na naglalakad papunta sa silid aklatan. I was about to follow her but someone stopped me.

"Leo, pupuntahan namin ang kuya ni Cassandra. Wanna come?"

"Jiro, ikaw pala." Lumingon akong muli kay Lean at nakitang nakalayo na sya. Maybe she needs time alone.

"Tara." Sagot ko sakanya.

"Kamusta na pala ang kalagayan nya Sandy?" Tanong ko.

Tinakpan ni Cassandra ang bibig ko, nalasahan ko tuloy yung mga palamuti nya.

"Wag mo akong tawaging Sandy! Ngayon ko lang na realize na ang jejemon pala."

"Jejemon?"

"Yup, it's a word I learned from the other world, don't know the meaning but it's cute."

"Okay okay, now focus on walking. Baka mabangga ka pa."

At dahil dun ay tumahimik na sya at naglakad, kami namang dalawa ni Jiro ay sabay na naglalakad sa kanyang likod.

I'm starting to think about what the two girls said earlier in class. Actually, may point sila. Di basta bastang makakapasok sa Historia Flock, but the three of them didn't even do anything.

Hindi ko gustong mag-isip ng ganito, but it's unfair fo us students who worked hard for this position.

"Leo, stop it."

Napatingin ako kay Jiro. Nakatingin sya ngayon sa akin suot ang seryosong mukha, like always.

"Desisyon ito ng headmistress, you can't counter that. And maybe she has a reason, we just need to wait and help the three of them." Sunod nya.

"Besides, it's harder for them too."

Ewan ko ba kung naisip ko yun, tama si Jiro. Bilang kaibigan ay kailangan namin silang tulungann.

"Right, ugh I'm such an idiot for thinking that way."

"But you have a point."

Di nalang ako sumagot pa para mawala na ang usapan, isa pa, nandito na kami sa infirmary.

Binati kami ng nurse pagpasok namin at pinagbuksan pa ng pintuan. Tutok na tutok sya kay Jiro.

"Kaya mo pala kami pinagbuksan ah. Ipakilala ko kaya si Jiro?" Bulong ko saking sarili.

Gagawin ko na sana ang aking balak pero bigla akong dumiretso sa paglalakad. It's like my feet has a mind of its own.

"Don't even think about it." Rinig ko saking isipan. Kaya pala.

"You're boring bro." Sabi ko sakanya at bumalik na nga sa sarili kong kontrol ang aking mga paa.

Sa oras na iyon ay mga kung ano ano nalang ang pinag usapan namin sa loob. Marko LaCosta is like a brother to me, seeing him recover also makes me relieved.

Pagkatapos namin syang bisitahin ay dumiretso kami sa dorm, where I found Hera sitting outside the balcony.

Pumasok sa isip ko kung bakit di na sila nag-uusap ni Santi. As far as I know, malapit nya itong kaibigan, I even thought of them as a couple.

"Santi kissed her, that's why." Biglang sabi ni Jiro.

"Sabi ko na nga bah, baka nag-away ang magkasintahan."

Nagulat nalang kami nung biglang sumigaw si Hera sa labas at galit na galit na nakatingin samin.

"For your information, both of us are just friends! Nothing more!"

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now