Chapter 7: The First Mission

1.3K 74 1
                                    

"Believe in yourself, take on your challenges, dig deep within yourself to conquer fears. Never let anyone bring you down. You got to keep going."- Chantal Sutherland

-------------------------

Santi's POV

Madilim lang ang aking nakikita, naka-blindfold ako. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa, mukhang tinakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas ako ngunit nakatali ang aking paa't kamay sa upuang kinalalagyan ko ngayon.

"Makakaalis na kayo, kunin nyo nalang ang bayad sa sasakyan." Rinig ko. Pamilyar ang boses.

Narinig ko ang mga yapak ng sapatos na papalayo at ang pagbukas ng pinto. Hinala ko ay nasa abandunadong gusali kami.

Tumahimik ako nang naramdaman kong papalapit na ang babaeng narinig ko kanina. Unti-unti naging kamao ang aking mga kamay habang palapit ng palapit ang babae. Alam ko na kung sino ito.

"Kumusta Santi, matagal na no'ng huli tayong nagkita. Matagal na matagal na."

Tahimik lang ako. Pinigilan ko ang aking luha. Hindi ako nagpalabas ng kahit isang tunog sa aking bibig.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Ayyy! Oo nga pala, may takip ang bibig mo. Silly me!"

Tinanggal niya ang takip ko sa bibig ngunit hindi parin ako nagsalita. Tinanggal niya rin ang blindfold at saka hinila ang aking buhok para magkatinginan kami.

"Long time no see." Sambit nya at ngumisi ng nakakakilabot.

"Natatandaan mo pa ba ako?" Sunod nya.

"Paano ko makakalimutan ang taong pumatay sa papa ko?" Sagot ko.

"Aba't bastos kang bata ka ah!" Sigaw nya sa harap ko saka ako sinampal ng napakalakas. Talagang kumakawala ang kanyang pagiging tigre kapag ako ang kanyang kaharap.

Kumulo ang dugo sa aking mukha. Matapos nyang patayin si papa, nagawa pa niyang ipakita ang demonyo niyang mukha. Bruha talaga!

"Bakit?! Hindi ba totoo?! Hindi ba totoo na ikaw ang naglalagay ng mga sangkap sa iniinom ni papa upang mapasayo mo ang mga ari-arian nya?! Pinatay mo siya!" Buong puwersa kong sigaw sa kanyang nagliliyab na mukha.

Lumayo siya sa aking harapan at may kinuha na envelope. Pinaypay niya pa ito at huminto siya sa aking harapan.

"Hindi na ako magpatumpit-tumpit pa. All I need is your fingerprint at tapos na!"

Kinuyom ko ang aking mga kamay at natandaan ko na naman ang aking mga hinanakit noon.

Flashback

Nag-asawa si papa ng bagong babae. Alam kong wala akong karapatan na umayaw sapagkat ampon lamang ako, ngunit napalapit na ako kay papa. Hindi ko din magawang umayaw dahil simula no'ng araw na nawala si mama ay nawalan ng gana si papa, pero nagbago siya nang dumating ang asawa nya ngayon.

"San, meet your new mom." Sabi ni papa at pinapakilala niya ako.

"So ikaw pala si Santi, ako pala si Claire, sana magustuhan mo ako bilang bago mong mama." Pakilala niya at ngumiti ng napakaganda.

"Mabait naman pala." Bulong ko sa aking sarili.

Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin sa mga sumusunod na taon. Hindi pala siya ang taong inaasahan ko, para siyang bruha. Kahit ang mga katulong na hindi nagawa ang mga gusto niya ay pinapagalitan niya o di kaya'y sinasaktan. Umabot din sa punto na ako ang kanyang sinasaktan at gusto ko mang gawin ay hindi ko magawang magsumbong sapagkat mas lalo pa lang niya akong sasaktan.

Aviara Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें