Chapter 21: Lilyth

831 54 0
                                    

Santi's POV

Matapos mangyari yung ginawa ko kay Hera, nag-iba yung pakikitungo nya sa akin. It's like she's avoiding me.

May times na kakausapin nya ako, pero hindi gaya noon, the awkward atmosphere is there na madali mo lang mapansin sa paraan ng kanyang pakikitungo. She even distanced her sit, pero di naman ganon kalayo.

After ng first session namin, medyo may time akong kausapin sya, our next professor is known for being late and I took that opportunity to approach her before the late one comes in. Everyone is doing their stuff, except for her, di ko alam kung anong nasa isip nya, kung kinalimutan nya ba yun or what.

"If I were you, do it after class."

Narinig ko sa loob ng aking kaisipan, I'm sure na si Jiro yun pero di pa kami ganun ka-close para pag utusan nya ako.

Pero bago pa man ako tumayo, sakto ding bumukas ang pinto at niluwa nito ang ngayong pawisan na si Sir Late. Yun ang tawag ko sa kanya since unang syllable pa lang sa kanyang pangalan ay di ko na kaya, like how the heck do you pronounce Dzharious?

"Good day my dear students, paumanhin at medyo natagalan ako, as always. Pero wag kayong mag-alala, batid kong magugustuhan nyo ang session natin ngayon."

"To give you a hint, it will involve spellbooks." Sabi nya na syang nagpa-excite sa lahat. Well, except for me, since wala naman akong alam sa ganyan at bago pa lang ako dito. I have no idea on how to wield magic.

Nagsitayuan na ang lahat, sumabay nalang ako kahit walang alam kung anong susunod na gawin. Nang nakalabas na halos lahat, pupuntahan ko sana si Hera na naghanda nang umalis pero nagulat nalang ako nang may biglang umakbay sakin.

"Uy, Leo ikaw pala."

"Oo ako nga."

Tinignan ko ulit si Hera ngunit nakalabas na ito. Kapag minmalas nga naman.

"Nice, I know what you're up to." Sabi ni Leo habang nakatingin din kay Hera.

"Tama ka, and it would've been nicer kung hinayaan mo muna akong abutin sya." Panlaban ko naman.

"Sorry naman. Ganito kasi, sabi ni Mr. Dzharious na wag ka daw ma pressure sa klase natin ngayon, observer ka lang daw muna."

"Ayos yan, as much as I want to do magic, gusto ko munang makita kung pano ito gawin. By the way, galing mong magpronounce sa pangalan nya ah."

Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng classroom at nagpunta sa silid-aklatan. Pagbukas namin ng pinto ay saktong sinimulan na nilang kumuha ng mga aklat na naglalaman ng iba't ubang spells.

Dahil sa curiosity ay tinignan ko bawat pahina na kanilang binabasa, ang nakapagtataka lang ay may mga figures or symbols sa bawat spells. Ang maganda pa dito ay may kaugnayan sya sa mga spells na gagawin, pero hindi ko naman alam kung pano gamitin.

"Ngayon ay pumunta na tayo sa field!" Sigaw ng professor, dahilan upang tignan sya ng masama ng librarian.

"This is a library." Sabi ng librarian na may pagbabanta at tinuro pa nito ang signage na nagsasabing Please be Silent.

"Sorry po." Sabi ni Sir Dzharious.

Nagsorry din kami at lumabas na ng silid-aklatan. Bago pa man ako makalabas ay tinawag muna ako ni prof, di naman ako nag dalawang isip at pinuntahan sya.

"Mr. Yeldon, alam kong wala ka pang alam sa mga magic thing, or even flying. But trust me, over time masasanay ka din gaya ko, I'm also from Earth at nung nasanay na, para na akong native sa mundong ito. Who knows, baka maging star student ka dito. Plus, the teachers here will do their best to teach you to your full potential, at isa na ako dun."

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now