Chapter 20: Secrets Revealed

916 47 1
                                    

Third Person's POV

Nang matapos lahat ng klase ay dumiretso agad sila Lean sa kanilang dorm. Palubog na ang araw at ang dalawang magkaibigan naman na sina Santi at Hera ay nagdesisyong mamasyal muna sa bayan. Si Cassandra naman ay dumiretso sa office ni Ms. Navona sapagkat pinatawag sya nito.

"Cassandra, pinatawag kita dito sapagkat may ipapaalam ako sayo na muntik ko nang makalimutan." Pagsalubong ng headmistress.

"Ano po yun Ms. Navona? May nagawa po ba ako?"

"No. It has something to do with your brother."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Cassandra at napatanong nalang sa kanyang sarili kung bakit nadamay ang kapatid nya sa usapan. Di din nya maiwasang magtaka, hindi na sya nakaranig tungkol sa kapatid nya mula noong pumunta sila sa mundo ng mga tao.

"Please follow me."

Sinunod nya ang headmistress at mas lalo pa syang nagtaka kung bakit papunta sila sa mga infirmary. Nagsimula na syang mag-alala at alam na nya sa kanyang sarili na si Marko ang kanilang pupuntahan.

"Ms. Navona, mabuti naman po at naparito kayo." Pagbati ng nurse.

"Kamusta na ang kalagayan ng mga estudyante?"

"Unlike last week, medyo bumuti na po."

Tinanguan siya ng punong-guro at pinapasok na sila sa room na kung saan makikita doon sa loob ang buong Senior Class na nakahiga sa mga puting higaan. May mga nurse din na kanya kanyang atupag sa mga walang malay na estudyante.

Papunta sila sa isang estudyante na nakahigang patalikod mula sa kanila, sa katawan pa lang ay alam na ni Cassandra na kapatid nya ito. Inunahan nya ang headmistress at agad hinarap ang kanyang kuya.

"Marco LaCosta, bat ka nagkaganyan? Akala ko ba isa ka sa mga pinakamalakas dito sa academy?" Sabi ni Cassandra at pinipigilan ang pag-iyak matapos makita ang mga pasa at sugat sa katawan ni Marko.

"Cassy, ikaw pala." Pilit itong bumangon pero pinigilan sya ni Cassandra.

"Wag mo nang pahirapan sarili mo, higa ka lang jan. Papatayin kita eh." Napangiti nalang ang kuya nya sa mukha ni Cassandra.

"As if you wan't me dead."

Hinampas nya ng malakas ang kanyang kuya dahilan para tumawa ito.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari?"

Napahinto si Marko at tinignan si Ms. Navona. It was best if she was the one to explain what really happened. At yun nga ang ginawa ng headmistress, tinignan nya lang sa mata si Cassandra na mahinahong nakikinig.

"I gave your brother and the rest of the Senior Class a mission, you never knew because you were still in the other world. They were meant to retrieve a stone, Topaz." Huminto sa pagsalita si Ms. Navona at tinignan si Marko, which made him continue the conversation.

"We successfully found the stone and informed the wizards and witches to find a safe place. Pero by the time na handa na ang lahat, reapers appeared, may kasama pa silang ibang mga abandoned. We managed to fight back, pero there was this noise na nakakapagdulot ng hallucinations sa amin, then our bodies were suddenly became paralyzed, others passed out. Nakita ko kung paano nila pinatay ang lahat ng mga taga Leighmanor, at dahil sa sakit, I passed out. By the time I woke up, wala na ang Topaz at nakita ko nalang ang buong Leighmanor na kinakain na ng apoy, there was nothing I could do but to come back here."

"Kasalanan ko 'to." Paulit-ulit na sabi ni Marko.

"Wag kang magsalita ng ganyan kuya, ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, that's enough."

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now