Chapter 25: The Aviara From Earth and The Dream

720 43 0
                                    

Third Person's POV

Hanggang ngayon ay sinusundan pa din ni Froilan si Mr. Gomez kahit san pa ito magpunta. Kahit pa nasa bahay ay binabantayan parin nya ang bawat kilos nito.

Ngunit walang nakikitang kakaiba si Froilan. Sa mga kilos ni Mr. Gomez, parang isa lang itong normal na tao.

Lingid sa kaalaman ni Froilan, binabantayan din pala sya ni Mr. Gomez. Simula kasi nung napansin nitong may kakaiba sa lalaking sumusunod sakanya, iniiwasan na nyang gumamit ng kanyang abilidad at mahika. Matagal tagal na din sya sa mundo ng mga tao kaya madali lang para sakanyang itago ang tunay nyang anyo.

Sa isip naman ni Froilan, kailangan nyang makabuo ng paraan bago paman malaman ng matanda na sinusundan nya ito.

Naghintay sya sa labas ng bahay nito ng ilang oras hanggang sa lumabas si Mr. Gomez. Tumigil pa ito sa gilid ng kanyang sasakyan at kinuha ang cellphone nitong tumutunog.

Muntikan nang atakihin sa puso si Froilan nung lumingon si Mr. Gomez sa kanyang pinupwestohan. Nagtago pa ito sa baba ng manibela upang hindi makita.

"T*ngina, tinted pala tong bintana." Sabi nya at pinagpag ang sariling damit.

Pagbaba ng tawag ay pumasok na si Mr. Gomez sa kanyang kotse at nagmaneho palabas ng subdivision. Di naman nagdalawang isip si Froilan na sundan sya.

"San kaya to pupunta?" Tanong ng ating kontrabidang reaper sa kanyang sarili.

Umabot din ng ilang oras ang kanilang pagmaneho hanggang sa naabutan nalang nyang nakapark ang sasakyan ni Mr. Gomez sa gilid ng kalsada. Pinarada nya ang kanyang sasakyan sa di kalayuan at pinuntahan ang kotse ng matanda upang makita kung nandito pa ba ito.

Walang katao-tao sa loob kaya napahawak nalang si Froilan sa kanyang batok.

Tinignan nya muna ang paligid at wala syang kaalam alam kung nasaan sila ngayon. Napapalibutan ito ng mga puno at bilang lang ang mga sasakyang dumadaan.

Napahinto sya sa isang bagay na nakalatag sa damuhan papasok ng kagubatan. Pinuntahan nya ito at tama nga ang kanyang hinala.

"Cellphone to ng matanda." Sabi nya.

Pero sya'y nagtataka kung bakit nahulog ito, kitang kita nya kanina na pinasok ito ng matanda sa kailaliman ng bulsa nito. Hindi ito basta-bastang mahuhulog, maliban nalang kung may butas ang bulsa ng ni Mr. Gomez.

"Branded naman ang pantalon nya, di yun basta-bastang magkaroon ng butas."

Pinulot nya ang bagay na ito at tinignan muna ng maigi bago ibinulsa.

"Nananadya ka ba tanda?" Sabi nya at tumingin sa kagubatan.

Pumasok na nga sya ng tuluyan sa kagubatan at hinanap ang amoy ng matanda.

Naglakad pa sya ng naglakad hanggang sa umabot na sya kailaliman ng gubat na iyon. Babalik na sana si Froilan sa kanyang sasakyan nung naamoy na nya ang pamilyar na baho.

"Amoy matanda." Nakangisi nyang sambit at saka dinilaan ang kanyang labi.

Sinundan nya ito ng sinundan ngunit napahinto si Froilan dahil dinala sya nito sa isang bangin. Dito nagtapos ang amoy na kanyang sinusundan na syang dahilan ng kanyang pagtataka.

Tinignan nya kung ano ang nasa ibaba ng bangin at nakita ang isang highway.

Muntikan na syang mahulog dito nung tumunog bigla ang kanyang telepono. Kinuha nya ito at bumungad sakanya ang pangalan ni Suran.

Bago pa makabati ang kabilang linya ay minura nya ito at nagtanong kung bakit napatawag.

"Paumanhin Froilan, napatawag ako kasi nakahanda na ang lahat para sa pag alis natin." Sagot ng kabilang linya.

Aviara AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang