Chapter 9: Bittersweet

1.1K 61 0
                                    

"We are nothing but shadows. Fading away trying to hold on to this bittersweet life that we call our own." -Ricky Mears
_______________

Jiro's POV

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi nalang ako sumama." Rinig ko sa aking isipan.

Ano na namang sinapit ng babaeng iyun? Puro nalang siya reklamo, simula palang sa unang araw ng pasokan.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang wala na akong maramdamang presensya niya. Wala na akong naririnig sa kanyang isip, wala na akong nararamdamang emosyon galing sa kanya.

"Ano bang nangyayari sa iyo Lean?" Bulong ko sa aking sarili at sinimulang hanapin ang babaeng yun.

Pinasok ko bawat isang iskinita na nakikita ko. Inaasahan kong makikita ko siya pero hindi. Wala akong nakita kahit isang bakas ng kanyang sapatos.

Napagdesisyonan kong lumipad, mukhang wala namang makakakita sa akin, madilim pa. Hinanap ko siya at sa bingit ng aking pagkawalan ng pag-asa ay nakita ko rin siya. Nakahiga siya sa isang napakaliit na iskinita.

Nang makalapag ako ay pinuntahan ko siya agad at tinapik.

"Lean, gumising ka."

Napasinghap ako nang nakita ang dumadaloy na dugo sa kanyang dibdib. Sinubukan kong pigilan ngunit hindi kaya.

Kinarga ko siya at lumipad ako ng napakabilis patungo sa pinakamalapit na ospital. Naligaw ako nong una ngunit nakahanap din kalaunan.

"Tulong!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa loob.

"Anong nangyari?" Tanong ng isang tao, doktor ata siya.

"Hindi ko po alam, nakita ko lag siyang duguan."

Tumango ang doktor at dinala agad si Lean sa Emergency Room. Muntik na nga kaming nakabangga, mabuti nalang at nakailag ang tao.

Pinahinto nila ako at sinabing dito na lamang ako. Hindi ko man gusto ay sinunod ko rin. Hinintay ko na lamang kung ano ang mga susunod na mangyayari.

"Wala na po ang pasyente." Rinig ko.

Tinignan ko sila at nakita ang isang lalaki na umiiyak at isang babae na hindi man nagpapakita ng kahit anong emosyon.

Napaisip ako. Ano na ang mangyayari kung pareho ang masisinapit ni Lean? Hindi siya pwedeng mawala.

"Dok! Gawan nyo ng paraan! Parang awa nyo na!" Paulit-ulit na sigaw ng lalaki habang hawak-hawak ang kamay ng doktor.

Nararamdaman ko ang sakit na dinadama niya ngayon. Parang nadudurog din ang puso ko. Tinignan ko ang babae at naramdamang masaya ito, napakasaya.

Pumasok ulit ang doktor nang tinawag siya ng nurse. Sinundan ko ng tingin ang doktor hanggang nawala siya.

"Mabuti, mapasaakin na ang pera."

"Please, Santi lumaban ka lang." Ang narinig ko mula sa kanila.

Tinignan ko silang dalawa, masama ang tingin ng babae sa lalaki habang wala ito sa katinuan. Ganito ba ang mga tao? Natural lang ba ito sa kanila?

Nabitawan ko ang tinatawag nilang smartphone nang nag-vibrate ito habang tumutunog. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now