Chapter 30: Early In The Morning

958 44 13
                                    

Third Person's POV

"Leonelle Riverdale, Cassandra LaCosta, the headmistress is waiting outside." Rinig nilang lahat.

Dali-daling tumayo ang dalawang tinawag habang ang iba naman ay sabay sabay na bumati kay Ms. Finner. Kinuha na nina Leo ang kanilang mga gamit at pinuntahan ang nakatayong guro sa pintuan.

"Paumanhin at natagalan kami Ms. Finner." Sabi ni Leo, inayos ng guro ang salamin nito at tumango bilang sagot.

"Let us proceed to the field."

Unang naglakad ang guro at sumunod naman ang dalawang estudyante, sumunod din sila Lean at Jiro at sinamahan sila Leo papunta sa labas. Habang naglalakad sila ay tumitingin ang ibang mga estudyante ay pabulong na nag uusap sa isa't-isa.

"Goodluck on your mission Leo." Sabi ng ilang babae at maghihiyawan.

Di naman nagpapahuli ang mga lalaki sa pagkuha ng atensyon ni Cassandra, may ibang binibigyan sya ng pagkain habang yung iba naman ay todo goodluck sa kanya. Ngingiti lang ang dalaga at didiretso sa paglakad.

Nang makaabot na sila ng field ay sabay silang bumati sa headmistress, nakatayo lamang ito doon at binati din sila nito.

"Bago kayo umalis, kailangan nyo munang suotin ang mga ito." Sabi ng punong guro sabay abot ng dalawang box.

Nung tinanggap ng dalawa ay agad nila itong binuksan at bumungad sa kanila ang mga kwintas na may logo ng academy. Sinuot nila ito at nag ayos ng kanilang mga sarili.

"You must never take it off, sa pamamagitan ng kwintas na iyan ay mahahanap namin kayo at makilala kayo ng kahit sino mang makasalamuha nyo." Paalala ng headmistress, tumango naman ang dalawang estudyante at nagpasalamat kay Ms. Navona.

Bago magpaalam ang punong guro ay lumapit muna ito kay Lean at pinatong ang kamay sa balikat ng dalaga.

"Ihatid nyo sina Leo at Cassandra sa edge ng Isla Shon at magpaalam na sakanila. Come to my office after." Mahinang pagbilin ng headmistress.

"Masusunod po Miss Navona." Sagot naman ng dalaga.

Tumango ang punong guro at tuluyan na nga silang iniwanan nito, sinundan naman nila ito ng tingin. Sa nilalakaran ng punong guro ay nakatayo si Periton, nakita naman ito ng mga estudyante at dali dali silang naglakad bago paman sila makita ng guro.

Binuksan ng tagabantay ang malalaking gate ng academy at tuluyan na ngang lumabas ang mga estudyante. Huminto muna sa paglalakad si Leo at tinignang muli ang paaralan.

"Hanggang sa muli AA." Sabi nya at sumabay na sa grupo.

"AA?" Tanong ni Lean.

"Oo, AA."

"Ha?"

"AA, Aviara Academy, Lean." Sabi ng binata at tumawa ng mahina.

Tumawa din ng mahina ang dalaga, ngunit nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang naalala ang mukha ng gurong pinag-usapan nila kanina.

"We can talk about it you know." Biglaang sabi ni Jiro.

"H-ha?"

"Mr. Periton."

Tinignan ni Leo si Lean sabay hawak ng kamay nito at pinisil-pisil.

"Don't worry Lean, nandito si Jiro habang wala ako. He can protect you." Sabi nito.

"Not always, may sariling problema din ako." Sagot ng isang binata.

Inakbayan ni Leo si Jiro at pinisil ang pisngi nito.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now