Chapter 12: When Fate Denies and Accepts

998 59 0
                                    

"A man does not make his destiny: he accepts it or denies it." -Ursula K. Le Guin
_________________

Third Person's POV

"Cath." Tanging nasambit ni Santi at niyakap ang babaeng nakita niya kanina.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon at tanging pangalan nalang ng kaibigan niya ang nailabas ng kanyang bibig.

"Sorry, but do I know you?"

Napatingin siya sa babaeng niyakap niya. Kumawala siya sa pagkayakap at pinahiran ang luha na kanina pa tumulo.

"Sorry, I mistaken you for someone." Sagot niya sa likod ng kanyang pag-iyak.

Tumango lamang ang babae bilang sagot at iniwan si Santi na mag-isa doon. Di makapaniwala si Santi, sigurado siyang nakita niya si Cath kanina.

"Baka guni-guni ko lang yun." Sabi niya sa sarili at lumakad patungo sa elevator.

Nakatalukbong siyang nakatayo sa elevator at hindi pinapansin ang mga taong pumapasok nito. Hindi niya alam na pumasok din pala si Hera sa elevator na sinasakyan niya. Hindi man lang nila napapansin ang presensya ng bawat isa. Mapaglarong tadhana nga, ika nila.

Pareho silang nakatayo sa likurang bahagi at ang naghati lang sa kanila ay isang tao, ngunit di nila napapansin ang isa't-isa. Si Santi na nakatalukbong at si Hera na abala sa kanyang cellphone.

Nasaan ka na Cath? Namimiss na kita. Tanging naisip ni Santi na walang kaalam-alam na nandito lang ang babaeng matagal niya nang hinihintay. Yes, si Hera at Cath ay iisa. Ang kaibigan niyang sa isang iglap ay nawala.

Santi, hahanapin kita. Wag kang mag-alala. Naisip ni Hera.

"5th floor. Doors opening." Tunog ng elevator.

Pareho silang lumingon sa unahan at sabay na lalabas ng elevator. The space inbetween ay unti-unting lumiliit habang lumalakad sila palabas.

Kahit na nagkadikit na ang kanilang mga balikat ay hindi parin nila nilingon ang bawat isa hanggang sa naglakad sila ng di-magkaparehong direksyon. Mapaglaro nga ang tadhana.

"Santi, sana nandito ka nalang." Sabi ni Hera sa sarili.

"Cath, matagal ko nang inaasam ang yakap mo." Sabi ni Santi at napaiyak nalang kalaunan. He's not in his real state of mind anymore.

Natapilok si Santi at napahiga sa sahig na nakagawa ng ingay sa buong lobby. Dahilan upang mapalingon si Hera sa kanya. Nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na hugis ng ulo.

Pinuntahan ni Hera si Santi, not knowing na siya pala ito. Ang nasa isip lamang niya ay ang tulungan ang natapilok na pasyente. Ngunit napahinto siya, naunahan siya ng mga nurse.

"You're not him." Sambit niya.

They're parting ways again. They were not meant to see each other....this time.

Sabay silang pumasok sa kani-kanilang ward. Hindi nila alam na nagkasabay sila kanina, hindi nila alam na nagkadikit ang kanilang mga balikat kanina, hindi alam ni Hera na si Santi sana ang kanyang tutulungan, hindi alam ni Santi na si Cath ang nasa kanyang likod. It was as if walang nangyari.

It was like, they both wanted to see each other, to face each other. But fate didn't agreed, fate has it's own way in playing hide and seek.

***

Samantala, sa academy ay puro paghihintay na lamang ang kanilang magagawa. Even the headmistress did nothing anymore but to wait. Gustuhin man niyang tulungan sila Leo but that's beyond her control.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now