Chapter 22: The Book (Part1)

773 44 1
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos ng klase ay dumiretso si Professor Dzharious sa silid ng punoong guro, nang sumagot ito pagkatapos nyang kumatok ay pumasok sya at nakita si Ms. Navona na nagmamasid sa kanyang naglalakihang glass window.

Nagclear ng throat si Professor Dzharious at bumati muna sa punong guro bago pumunta sa usapan.

"Ms. Navona, kanina sa klase ko sa Historia Flock, one of my students, Leandrah Lockmere, managed to summon a sprite." Panimula nito.

"Hmmm, as I've saw."

"Is it possible? From what I have learned, an aviara has no power to summon such magical beings, not even the most skilled."

Tinignan sya ng headmistress at sumagot ito na syang dahilan ng kanyang pagtataka.

"Malalaman mo din Mr. Dzharious. For now, try to train your new students until they master their spell casting."

Walang ibang nagawa ang guro kundi ang sumang-ayon nalang kahit di pa nasagot ang katanungan nya.

"Masusunod Ms. Navona." Sagot ng guro at nagpaalam nang lumabas na ng silid.

Habang naglalakad sa lobby si Professor Dzharious ay nakita nya si Mr. Periton na papunta na sa silid ng Historia Flock at siya naman ay papunta na sa faculty room.

Sa kabilang mundo naman ay nanatili lamang si Claire sa higaan ng kulungan. Doon na lamang umiikot ang kanyang mundo matapos syang arestohin.

Hindi naman mawala sa isip nya ang mga pangyayari at kung anong klaseng nilalang si Mr. Gomez. Akala nya'y mamamatay na ito sa tama ng bala ngunit nagkamali sya. Para na syang mababaliw sa kaiisip.

"Froilan, kailangan kita." Paulit-ulit nyang sabi habang nakatingin lang sa kisame.

Hindi nya napansing binuksan na pala ang rehas ng kanyang kulungan at parang wala lang sya habang pinapatayo sya ng dalawang police.

"Please cooperate." Sabi ng police.

Tinignan nya ito ng masama at saka tumayo sa kanyang kinahihigaan. Bago paman mailabas ng kulungan ay nilagyan muna ng posas ang kanyang kamay saka hinawakan ang braso habang naglalakad.

"Get your dirty hands off me!" Sigaw ni Claire habang pilit na kumakawala

Hinigpitan naman ng mga police ang hawak at nilalabanan ang pagwawala ni Claire.

"Umayos ka! Mas madumi pa ang pagkatao mo kumpara dito sa mga kamay namin!"

"How dare you!"

Ganun ang sitwasyon nila hanggang sa nakaabot sila sa visiting room. Nung nakita ni Claire kung sino ang pumunta ay agad itong kumalma at hinarap ang tao.

"Froilan..."

Walang pinakitang ekspresyon ang kanyang kaharap at tinignan lamang sya sa mata.

"Baby, do something! Please get me out of here! Di ko na kaya!" Sigaw nya at padabog na umupo. Hinampas pa nito ang mesa.

"Wala akong magagawa baby, they've seen you pointing the gun kay Mr. Gomez."

"Hindi! May ginawa ang matandang yun, believe me, hindi ako baliw. Demonyo sya, hindi sya tao."

Nakatingin lamang si Froilan kay Claire at di makapaniwala kung ano na ang nangyayari ngayon kay Claire. Nakukumbinsi na syang baliw na ito at malapit nang mawala sa katinoan.

"Baby, maghintay ka lang, makakalabas ka din dito."

"You don't believe me? Froilan nagsasabi ako ng totoo!"

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now