Chapter 14: Found

935 51 0
                                    

"I looked at him like a stranger, someone I’d never seen before, and he looked at me like I’d been lost to him for a thousand years and finally found." -Emme Rollins, Dear Rockstar
______________

Lean's POV

Tumatakbo kami patungo sa kinaruruonan ng sinasabing aksidente. Walang ni isa sa amin ang nakakaalam kung okay lang ba si Santi o hindi, maski si Jiro, hindi na niya mapapasok ang isip ni Santi.

Kanina pa namin gustong gamitin ang mga pakpak namin ngunit hindi maaari, napakasaklap nga. Kahit ang mga kanya kanya nilang mga abilities, di nila mapapalabas sa ngayon.

"Malayo pa tayo Jiro?" Paulit-ulit na tanong ni Hera.

"Malapit na." Maikling sagot ni Jiro.

Kaming nasa likod ay sumusunod lang kung saan dumadaan sila Hera. May ilang tumitingin tas ilan todo reklamo, kung pwede lang suntukin kanina ko na ginawa yan.

"Tignan nyo ang dinadaanan nyo!"

"Hindi pa pwedeng tumawid!"

"Gusto nyo bang masagasaan?!"

Yan ang ilan sa mga sinasabi nila, eh ako bawat salita nila siya namang pag-init ng dugo ko.

"Nandito na tayo."

Sa paghinto namin ay nakita na namin agad ang nagsisigawang mga tao. Napakaraming tao ang nagsisiksikan at kami naman ay todo singit.

Nang nakita na namin ang kotse, walang Santi ang bumulaga. Isang driver lang na duguan. Nasaan kaya sila?

Flashback

"Tulungan nyo ako...."

"Please...."

Santi? Boses nya yun, ngunit di ko siya nakikita.

"Santi?"

"Nasaan ka?"

"Santi?!"

Tinignan ko ang buong paligid pero di ko talaga siya makikita. Nandito ako ngayon sa kung saan kami nagkita sa panaginip, panaginip nga ito.

"Lean....dalian nyo.....bibigay na ang katawan ko.."

"Santi! Wag muna! Sabihin mo kung nasaan ka ngayon?!"

Di na sya sumagot pang muli na syang nagpapatakot sa akin. Hindi ako mapakali, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, parang iiyak na nasasaktan na ano.

"Kailangan namin siyang makita, kailangan na talaga."

End of Flashback

Pinuntahan namin ang duguang driver at kwinelyuhan siya ni Jiro. Yung bwesit na driver tinawanan lang kami.

"Sabihin mo kung nasaan si Santi!" Sigaw ni Hera.

"Hanapin nyo kung kaya nyo." Tas ngumisi ng nakaka-irita

"Sabihin mo kung aya--" Di natapos ang sasabihin sana ni Hera nang pigilan siya ng isang naka unipormeng lalaki.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now