Chapter 8: The Other World

1.1K 61 1
                                    

"In the end, it’s not the years in your life that count. It’s the life in your years." -Abraham Lincoln 
________________

Lean's POV

Dumating ang araw ng aming pag-alis. Lahat ay nakahanda na, lalong-lalo na si Hera na kagabi pa lang ay hindi makatulog dahil sa kakahintay.

Ngayon ay nakasakay na kami sa isang karwahe, kasama si Ms. Navona, na magdadala sa amin sa lagusan. Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto ito sa isang tulay na hindi ko alam kung saan papatungo. Mukhang natatakpan ang kabilang-dako nito sa mga ulap.

"Dito. Dito kayo dadaan. Pagdating ninyo sa gitna ng tulay ay may susundo sa inyo, siya ang tagabantay ng lagusan, si Horos." Pagpapaliwanag ni Ms. Navona.

"Ano po ang aming gagawin pagkatapos?" Tanong ko.

"Ipapakita niyo lang ang plaka ng academy at patutuluyin niya kayo."

Tumango kaming lahat at bumaba na ng karwahe, maliban kay Hera na mukhang kinakausap pa ng headmistress. Nang matapos sila ay hindi na bumaba si Ms. Navona, bagkos ay kami nalang lima ang siyang lalakad patungo sa gitna.

Tahimik lang kaming naglalakad at dinama ang bawat halik ng ulap na dumadapo sa aming mga mukha. Sakto namang dapit-hapon na kaya maganda ang tanawin sa paligid.

"Moments like this needs to be captured." Biglang sambit ni Hera at kinuha ang tinatawag niyang smartphone.

May kinapa siya at itinutok ang smartphone sa tanawin. Pagkatapos ay tumunog ito.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Cassandra.

"Picture." Simpleng sagot ni Hera na hindi man lang tinignan si Cassy.

Naguguluhan man ay binaliwala nalang namin siya at dumiretso na sa paglalakad.

Hindi nagtagal ay nadating namin ang gitna ng tulay. May nakatayong nilalang na may malaking katawan, sa sobrang laki ay halos mapupunit na ang leather na kanyang suot. May mataas siyang balbas at dala-dala niya ang isang malaking espada.

Napahinto kami, pati sila Leo na kita sa mga mukha ang kaba. Lumagok muna siya at pagkatapos ay sinimulan na niyang kausapin ang bantay.

"Horos?" Panimula niya.

Lumingon si Horos at tinignan si Leo mula ulo hanggang paa. Itinutok nito ang espada niya kay Leo at sumagot.

"Sino ang nagtatangkang dumaan sa lagusan?"

Napaatras si Leo at nagdadalawang-isip kung sasagot ba siya o hindi.

"Mga estudyante kami ng Aviara Academy, pinadala kami ni Ms. Navona upang matupad ang misyon na binigay niya sa amin." Matapang niyang sagot.

"Meron ba kayong pwedeng maipakita upang mapagkatiwalaan ko kayo?"

Nilabas ni Leo ang kanyang plaka at sumunod naman kami. Mukha namang nakumbinsi si Horos at binaba na ang kanyang espada.

Tumalikod siya sa amin at itinutok ang kanyang espada sa kalawakan at may ibinigkas siya na mga salita na hindi namin naiintindihan.

Lumakas ang ihip ng hangin at ang mga ulap ay pumalibot sa tulay.

"Sundin niyo lang ang tulay at kayo'y dadalhin sa inyong patutunguhan." Sabi ni Horos na siya naming ginawa.

Sinundan namin ang tulay at sa kalagitnaan ng aming paglakad ay nakaramdam ako na parang may sumaghid sa aking katawan. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid at unti-unti itong nag-iba.

Tinignan ko ang aking likuran at nakitang iba na ang tulay na aming tinatapakan. Hindi ko na alam kung nasaan kami, basta ang nakikita ko lang ay mga nagtataasang gusali na umiilaw.

Aviara AcademyWhere stories live. Discover now