CHAPTER 1

10.2K 174 5
                                    


December 01, 2018 isang normal na araw para sa isang estudyante na kagaya ko.

Ako yung tipo ng estudyante na pipiliin nalang na mag isa kumpara na makisalamuha sa iba.

Parati lang akong nakayuko saaking desk at pinapakinggan ang mga bulungan nang aking mga kaklase  habang ako ang kanilang topic.

Hinahayaan ko lang sila na pag usapan ako dahil ang alam naman nila ay natutulog ako.

" Oo, lagi ngalang syang tulog eh, at walang kaibigan. " Kwentuhan ng mga kaklase ko habang ako ang kanilang topic.

" Oo, Kaklase ko yan si Miles noon pa, tahimik talaga at never ko syang nakita na nakisalamuha sa iba" kwento pa ng isa kong kaklase.

Pinapakinggan kolang sila sa kanilang mga sinasabi saakin, habang nag papanggap na ako'y naka tulog sa loob ng aming classroom.

Hanggang sa naramdaman ko nalang namay bumagsak na tao sa gilid ng inuupuaan ko.

" Awww f*ckk! anlakas ng pag kakatulak mo! " Wika ni Ken habang iniinda ang pag ka bagsak nito sa gilid ko.

Kaya Agad ko namang inangat ang aking ulo na galing sa pag kakayuko upang tignan kung ano ba ang nangyari.

Bumungad sa mukha ko ang isang lalaki na naka tayo habang naka kamot sa kanyang ulo.

" So..sorry Miles kung naistorbo ko ang tulog mo! " Sabi nito habang nakakamot sa kanyang ulo.

Hindi ko sinasadya na mapatingin sa mukha nito, dahil hindi ako sanay na tumitingin sa mukha ng ibang tao.

Pero nung nakita ko ito ay para bang hindi ko na mai-alis ang mga mata ko kakatitig sa maamo nitong mukha.

Napatulala nalang ako sa mukha nito habang bumibilis sa pag tibok ng aking puso.

" A... anong nangyayari!! " Tanong ko saaking sarili habang naka hawak sa aking dibdib.

Hanggang sa umalis na nga si Ken sa harapan ko at kasama nito ang barkada nitong si Brent at Luis.

Ang akala kong simpleng araw lang ay mahahantong pala sa malaking kaganapan sa buhay ko.

Since nung bata palang ako ay ugali ko nang hindi tumitingin sa mukha ng ibang tao dahil siguro ay nahihiya ako at natatakot sa mga magiging reaksyon nila habang kausap ako.

Kaya siguro nadin na wala akong kilala sa loob ng Classroom namin dahil sa pag uugali ko na ganito.

Matatapos  na ang 1st Semester ng aming klase pero hindi ko padin kilala ang mga kaklase ko at ganun din ang mga mukha nila dahil never akong nag bigay ng physical contact sa bawat isa sa kanila.

Pero nung nakita ko si Ken ay unti unting nag bago ang pag uugali na mayroon ako.

Dati ay parati lang akong naka concentrate at nakikinig sa aming mga teacher pag nag tuturo ang mga ito, ngunit ngayon ay nadidistract ako na tumingin kay Ken dahil sa mukha nitong nakakapang akit.

Si Ken ay half Filipino at half Chinese kaya napakadaming babae ang nag kakagusto dito dahil mapag kakamalan mo talaga itong Kpop star at hawig pa ito kay Song Joong ki ng Descendant of the sun.

At lagi nitong kasama ang bestfriend nyang si Luis at si Brent kung saan man ito mag punta.

Para bang laging hinahanap ng puso ko si Ken at parang bang lagi ko itong nais na makita. Ngunit na tatakot ako na baka maka halata ito sa mga pag tingin ko sa kanya.

" Ken, tara basketball tayo sa gym." aya ni Luis kay Ken habang naka upo ito sa kanilang upuan.

Narinig ko ang mga paguusap nila, at mukhang mag lalaro sila ng basketball pag tapos ng lunch time.

Kaya dahil gusto kong makita si Ken na nag lalaro ito ng basketball ay nag plano ako na sumunod sa kanila at panoorin ito na mag laro.

Ngunit habang pa punta na ako sa gym ng aming school para panoodin sila ay may dalawang babae ang humarang saakin at gusto nito na picturan ko sila sa kanilang crush.

" ahmmm hello po kuya, baka pede po kayong maistorbo, pwede po bang picturan mo kami plsss.." pag pupumilit ng isang babae saakin na picturan ko sila habang inaabot saaking ang cellphone nito.

Gusto ko man itong tanggihan dahil nahihiya ako ay wala na akong nagawa kundi sundin ang request nila.

Kaya agad ko naman silang pinicture-an.

Habang pinipicturan ko sila ay bigla kong napansin ang mga mukha nila nang hindi nahihiya.

Eto ang unang beses na napatitig ako sa mukha ng mga tao dahil sa isang bagay.

Maaari ko palang gamitin ang camera upang matanggal ang hiya ko sa pag harap sa iba't ibang tao.

At dahil dito ay nag ka idea ako na pwede kong gamitin ang cellphone ko upang kunan ng litrato si Ken nang patago.

Kaya nung nakarating na ako sa gym ng aming school ay napansin ko na naglalaro na sila Ken at ang mga tropa nito, kaya agad ko namang inilabas ang aking phone upang kunan ito ng litrato ng patago.

Sa pamamagitan ng cellphone ko ay mas lalo kong napapadali na tumingin sa mukha ni Ken ng hindi nito nalalaman.

Habang nakatingin ako sa Cellphone ko para picturan ito ay napansin ko si Brent na naka tingin sa Camera ng Cellphone ko at mukhang nahuli nito ang ginagawa ko.

Kaya agad akong napatingin sa direksyon ni Brent para tignan ito at laking gulat ko ng nakatitig ito saakin at mukhang nabisto nito ang aking ginagawa na pag picture kay Ken.

kaya dali dali kong pinatay ang cellphone ko at mabilis na umalis na kaagad sa gym.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now