CHAPTER 47

3.1K 104 24
                                    

Kaya agad akong tumalikod mula sa direksyon nila Brent dahil pakiramdam ko ay nakita ako ni Brent na tumitingin sa kanya.

Hanggang sa lumapit si Brent pa punta saaming bench na hindi ko alam ang kadahilanan.

Ngunit laking gulat ko nalang nang biglang umakbay sa balikat ko si Ken habang umiinom ito sa kanyang tubigan.

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ngayon si Brent habang naka akbay naman sa balikat ko si Ken.

Panandalian akong na freeze dahil sa biglaang pag sulpot ni Brent.

Ngunit mas lalo akong nagulat nung umakbay si Ken sa balikat ko.

Mag sasalita na sana si Brent saakin para kunin ang bottled water nito ng biglang kinausap ako ni Ken at saka parang pilit nitong inilalayo ako mula kay Brent.

" Oh, I need this, na uuhaw pa ako eh. " Sabi ni Ken saakin saka itinuturo ang bottled water na hawak ko na para kay Brent.

Hindi ko alam ang nangyari ngunit salamat kay Ken dahil iniwas ako nito mula kay Brent.

Naiwan mag isa si Brent sa gilid ng bench at hindi ako nito naka usap dahil sa kadahilanan na biglaang pag sulpot ni Ken.

Pero mas nagulat pa ako sa mga sumunod na nangyari.

" Miles, Meet me at my house. when the games end. " Mahinang sigaw ni Brent upang marinig ko ang sinabi nito.

Panandaliang napahinto ako sa aking pag lalakad habang si Ken ay naka akbay saakin dahil sa narinig ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito at mukhang nagulat din si Ken sa narinig niya na sinabi ni Brent.

Kaya nung narinig ko na gusto ni Brent na pumunta ako sa bahay niya ay unti unti akong nakaramdam ng saya at pag ka excite dahil akala ko ay tuluyan nang mawawakasan ang pagiging f*ck buddy ko mula sa kanya.

Kaya agad akong tumingin sa direksyon ni Brent saka nginitian ito habang naka akbay padin saakin si Ken.

Hanggang sa muling tumunog ang buzzer, hudyat na mag sisimula na ang third quarter ng laro.

Naging maganda ang ipinakitang depensa ng team nila Brent sa third quarter ng laro kaya bumaba sa dalawa ang lamang ng kalaban sakanila.

Kaya nung fourth quarter na ng laro ay talagang naging matindi ang laban ng dalawang team kaya halos palitan lang sila ng puntos.

Halos lahat ng mga sumusuporta sa dalawang team ay hindi na nakuha pang pumikit dahil sa ganda ng laro na ipinapakita ng bawat team.

Hanggang sa tuluyan nang lumamang sila Brent ng apat na puntos pag dating sa dalawang minutong natiting time clock.

" OMG!! sana'y hindi na mahabol pa ang score nila! " Kinakabahang sabi ni Mariel.

Nanlalamig nadin ang mga kamay ko dahil sa kaba na baka mahabol pa ng kalaban ang puntos nila Brent.

Ngunit maganda ang kanilang ipinakitang depensa hanggang sa natapos ang laro.

Kaya sila ang itinanghal na nanalo mula sa kanilang kalaban.

82-89 ang naging score nila at salamat sa magandang performance ni Brent dahil naka gawa ito ng 32 points ngayung araw.

Deretso na sila sa semi final at ang mga 3rd year na ang mga makakalaban nila simula sa araw ng bukas.

Hanggang sa pumunta na nga sila sa aming bench kaya agad naman namin silang sinalubong ni Mariel na may ngiti sa aming mga labi at sila'y aming binati.

" Congrats!! " bati ko sa kanila.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now