CHAPTER 29

3.7K 114 4
                                    

Napatingin nalang ako kay Mariel at mukhang seryoso ito sa mga sinabi nya saakin.

Kaya nakaramdam ako ng pagka guilty sa kanya dahil paano kung malaman nito ang mga pinag gagawa namin ni Brent.

Siguro baka masira ang pag kakaibigan namin pag nalaman nito ang totoo. Kaya mainam na sana ay matapos ko na ang walang kwentang larong ito, dahil baka pag nag tagal pa ito ay baka hindi lang ang pag kakaibigan namin ni Mariel ang masira, at pati narin ang mga rules namin ni Brent ay hindi kona masunod.

Kaya natapos na ang pag practice nila ng basketball, hanggang sa nag aya saamin si Brent na mag starbucks.

" OMG, Go ako dyan! " pag payag ni Mariel na sumama sa aming pag starbucks.

Kasama din namin si Ken at Luis sa pag punta namin ng starbucks pero hindi padin tapos ang pag tatalo ni Mariel at Luis hanggang ngayon.

" Bakit isasama payan?! baka di tayo papasukin sa starbucks kung may mukhang kambing tayong isasama! " pang aasar ni Luis kay Mariel.

Dahil sa inis ni Mariel ay agad nitong pinuntahan si Luis at mukhang gusto nitong sabunutan ito.

" ako, kanina kapa namumuro saakin!! " galit na sabi ni Mariel saka hinabol ito sa court.

Parang mga bata si Luis at Mariel nung nag habulan ito sa loob ng gym.

Kaya napangiti nalang ako habang pinag mamasdan ang dalawa na nag aasaran.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na lumapit sa likod ko si Brent at inakbayan ako nito.

" you promise me, na ililibre mo pa ako." Mahinang bulong nito sa tenga ko habang naka akbay saakin.

Laking gulat ko nalang ng inakbayan ako nito. At kaharap ko paman din si Ken na naka tingin saakin.

Nakita ni Ken ang biglaang pag akbay saakin ni Brent, kaya agad kong siniko ang tiyan nito upang ialis nito ang braso niya na naka akbay saakin.

" Ouch!! " sabi ni Ken dahil hindi nito inaasahan na sisikuhin ko siya sa tiyan nya.

Napahawak nalang siya sa tiyan nya habang iniinda ito, pero si ken naman ay pakiramdam ko na naka tingin lang ito saakin at nag tataka.

" F*ck you! Brent!! " sabi ko saaking sarili habang naiinis sa galit sa kanya.

Hanggang sa natapos nadin si Mariel at luis sa pag hahabulan nila dahil nabugbog na ni Mariel sa sabunot si Luis.

" Ano! akala mo di kita maaabutan hah!! buti nga sayo! " sabi ni Mariel habang nag papag pag ng kamay nito.

Habang si Luis naman ay iniinda ang ulo nito dahil sa sakit ng pag kakasabunot ni Mariel.

" May toyo ka talagang babae ka! " pabulong na sabi ni Luis at mukhang narinig ito ni Mariel.

" Ano? may sinasabi ka? " galit na sabi nito saka tumingin ng masama kay Luis.

" Wala! sabi ko ang ganda mo! " Pasigaw na sabi ni Luis kay Mariel.

" Huh! buti nalang at nag kakaintindihan tayo! dahil hindi lang sabunot aabutin mo pag narinig ko pang pumutak yang bunganga mo! " galit na sabi ni Mariel kay Luis.

Ngunit nung tumalikod na si Mariel ay saka naman ginaya ni Luis ang mga pinag sasabi ni Mariel at para bang nang aasar pa ito.

At buti nalang ay hindi ito nakita ni Mariel dahil baka mag simula nanaman sila sa walang sawang pag aaway nito.

Kaya lumipas ang mga ilang minuto ay nakarating nadin kami sa starbucks.

Malapit lang ito sa campus namin kaya amin nalang itong nilakad.

Katabi ko si Mariel sa upuan habang si Brent, Ken at Luis naman kaharap namin sa table.

Hindi ako maka tingin ng direkta sa kanila dahil nahihiya ako, at katapat ko paman din si Ken at ang katabi nito sa gilid niya ay si Brent.

Hanggang sa inassist na kami ng Crew ng starbucks, at pinapili na kami ng oorderin namin.

Hanggang bigla nalang nag tanong si Luis saakin ng wala sa oras.

" Oyy, Miles! " Tawag nito sa pangalan ko habang naka tingin saakin.

Kaya napatingin naman ako kay Luis.

" Hm? " Response ko sakanya habang naka ngiti.

" May naalala lang ako bigla" sabi ni Luis.

" Nung araw na sinugod moko sa library tapos pinag bibintangan moko na ako ang kumuha ng phone mo. " pag kukwento nito sa nangyari saamin sa library.

Nanlaki nalang ang mata ko nung biglaang ikwinento nito ang pang aagaw ko ng cellphone nya sa library.

Napatingin nalang silang lahat saakin dahil sa sinabi ni Luis.

Naramdaman ko nalang ang pag bilis ng tibok ng aking puso habang unti unti png pumapatak ang mga pawis ko.

Nakatingin ng seryoso si Ken saakin, kaya lalong bumibilis ang pag tibok ng aking puso at para ba itong sasabog sa sobrang lakas ng pag tibok nito.

" Huy Miles, bakit ako yung pinag bibintangan mo noon na ako yung kumuha ng phone mo? " tanong ni Luis saakin.

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Luis dahil hindi ko maaaring banggitin ang katotohanan dahil baka malaman ni Ken ang nararamdan ko para sa kanya.

Hanggang sa dumating nanga ang crew, sandaling natigil kami saaming pag uusap.

" Here's your order po! " sabi ng crew saka inilagat nito sa table namin ang mga inorder namin.

Ngunit saakin padin naka pokus ang atensyon jila at para bang hinihintay nila ang pagsagot ko.

Hanggang sa napatingin nalang ako sa direksyon ni Brent at naka ngisi lang ito saakin, habang natutuwa sa mga nangyayari.

Kaya napayuko nalang ako at saka humingi ng tawad kay Luis.

" So..sorry Luis kung inakusahan kita na ikaw ang kumuha ng phone ko. " Sabi ko sa kanya habang hindi maka tingin ng direkta sa mga mata nito.

" Ahhh.. hahahah ok lang wala yun! past is past ika nga nila! " sabi ni Luis para hindi na ako mag alala pa.

hanggang sa sumingit naman si Mariel sa pag uusap namin.

" Kahit man ako, pag nawala ang phone ko si Luis din ang pag hihinalaan ko! " sabi nito na para bang natatawa.

" Mukha kasing snatcher! " bulong nito sa tenga ko habang naka tingin kay Luis at saka tumawa ng malakas.

Dahil sa sinabi nito ay nag simula nanaman silang dalawa sa pag tatalo nila, pero ako ay nag tataka padin kung naniwala ba si Ken sa sinabi ko, kaya agad akong tumingin sa direksyon nito.

Ngunit seryoso lang itong nakatitig saakin kaya niyuko ko nalang ang aking ulo.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Where stories live. Discover now