CHAPTER 52

3.2K 137 13
                                    

Kinabukasan.

Maaga akong nagising mula sa aking pag kakatulog.

Ramdam ko padin ang sakit mula saakin puso buhat ng kahapon.

Akala ko ay tuluyan ko nang makakalimutan ang lahat ng nangyaring masasakit saakin mula kahapon kung itutulog ko nalang ito.

Pero sariwa padin sa aking isipan ang mga sinabi saakin ni Brent na kahit kailan ay hindi ako nito magugustuhan, kaya napaupo nalang ako sa aking kama habang sinasariwa ang mga masasayang alala na nakasama ko ito na kahit kailan ay alam kong hindi na mauulit pa.

Tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat hanggang sa maka move on na ako sa kanya, dahil ayoko nang mag mukhang tanga na umasa na magiging kami nito.

Kaya Agad nalang akong nag bihis at nag asikaso para sa akin pag pasok ngayong

Ngunit hindi ko inaasahan ang pag dating ni Ken sa bahay namin.

" Anak! may bisita ka! " sambit ni Mommy mula sa sala.

Ngunit akala ko ay si Brent lang ito kaya wala ako sa mood na lumabas ng aking kwarto, ngunit pumasok si Mommy sa aking kwarto na para ba itong kinikilig at para  bang naka kita ng artista.

" Anak! sino bayung nasa labas ng ating gate? hinahanap ka? "

" Hah? " pag tataka ko dahil mukhang hindi si Brent ang tinutukoy ni Mommy.

" Gwapo eh, mukang artista! " sabi pa ni Mommy saakin.

Kaya dahil sa curiosity ko nadin ay lumabas ako sa aking bahay para alamin kung sino ito.

At laking pag tataka ko nang makita ko si Ken sa tapat ng gate namin  na para bang nag hihintay saakin.

" Ken!! " pag tawag ko sa pangalan nito.

Kaya nabaling ang tingin nito saakin saka ngumiti ng abot hanggang tenga nung nakita ako nito.

" Oh Ken? Anong ginagawa mo rito? " bungad na tanong ko sa kanya.

Hanggang sa naka ngiti lang ito saakin habang naka titig saakin.

" Ah... eh... gusto ko sanang sabay na tayong pumasok papuntang school. " sabi nito saakin habang naiilang at mukhang nag papakamot sa ulo nito.

Kaya ngumiti naman ako sakanya pabalik at pumayag naman ako sa sinabi nito.

" Sige! "

" wait lang, just give me a sec! " sabi ko sa kanya saka bumalik sa aking kwarto upang kunin ang mga gamit ko.

Habang kukunin ko na ang aking cellphone na naka lapag sa aking kama ay nagulat nalang ako nang biglang nag notify ang cellphone ko.

At nag text pala si Brent saakin.

" Wait me, I'll pick you up." pag ka basa kosa text nito saakin.

Ngunit hindi ko nalang pinansin ang text nito saakin bagkus ay pinatay ko nalang ang phone ko dahil ayokong maka recieve ng text mula kay Brent.

Hanggang sa pinuntahan ko na nga si Ken sa kanyang sasakyan dahil nag iintay ito saakin sa labas ng aming bahay.

" Anak! mag iingat ka sa school mo ah! " pag aalalang sabi ni Mommy saakin saka niyakap ako nito ng mahigpit.

Dahil nag aalala lang ito saakin simula nung nangyari kahapon.

Kaya niyakap ko din si Mommy pabalik saka nginitian ito para hindi mag alala sa kalagayan ko.

Hanggang sa tuluyan na nga kaming umalis ni Ken sa aming bahay para pumasok sa school gamit gamit ang sasakyan nito.

Author's POV.

Wala pang Sampung minuto nang makaalis si Ken at Miles ay sya namang dating ni Brent sa bahay nila Miles.

" Bakit hindi sinasagot ni Miles ang call ko? " pag tataka nito habang naka hinto ang sasakyan nito sa tapat ng bahay nila Miles.

Kaya dahil cannot be reach ang tawag nito kay Miles ay nag pasya nalang itong bumaba sa sasakyan nya upang puntahan si Miles sa loob ng bahay niya.

" Tao po! " tawag ni Brent sa tapat ng gate nila Miles.

" Tao po! " tawag nya pa.

Hanggang sa pinag buksan ito ng pinto ng Mommy ni Miles.

" Hello po tita! " bati ni Brent.

" Oh? Brent bakit ka naparito? " tanong nito.

" Ah.. Tita si Miles po? " Tanong nito.

" Ahhh Umalis na eh, hinatid ng kaklase nyo? " sagot naman ng Mommy ni Miles.

Kaya napa isip naman si Brent kung sino ang tinutukoy nito.

Pero mas lalo pa itong nag taka dahil naka alis na pala si Miles ng hindi manlang sinasagot ang mga text at tawag nito.

" F*ck! " sabi nito sa sarili nya saka bumalik sa kotse nito upang pumasok.

Lumipas ang ilang mga minuto ay nakarating nadin si Brent sa school nila.

Kaya nung pagpasok nito sa room ng section nila ay hindi niya inaasahan na mag tatama ang mga mata nila ni Miles habang naka upo ito sa upuan nito.

Ngunit mas lalo pa itong nagulat nung mabilis na iniwas ni Miles ang tingin nito sa kanya.

Kaya wala nalang nagawa si Brent kundi ang umupo sa upuan nya habang katabi nito sa gilid si Ken na kanyang nakaaway nung huling laban nila sa intrams.

Kaya habang lumilipas ang mga oras ay hindi maiwasan ni Brent ang mapatingin sa direksyon ni Miles dahil para bang pakiramdam nito ay may mali sa kinikilos ni Miles.

Hanggang sa napaisip nalang ito na baka nasaktan nito ang feelings ni Miles nung sinabi nya na kahit kaylan ay hindi niya magugustuhan si Miles.

Brent POV.

Pero kung yun man ang reason ni Miles sa pag iwas nya saakin ay ibig sabihin lang nito ay nag tagumpay ako sa plano ko na saktan ito na gaya ng ginawa nya sa kuya ko.

Pero hindi ako papayag na yun lang ang sakit na dadaranasin nito.

Gusto ko syang makitang umiyak sa harap ko, habang nag sisisi sa ginawa nya sa kapatid ko.

Kaya Miles eto palang ang simula nang ganti ko para sayo.

Hanggang sa bigla nalang tumunog ang bell sa buong campus, simbolo na lunch break na.

Kaya agad akong tumayo saaking upuan para lapitan si Miles at gusto ko itong pagalitan dahil sa hindi nito pag sagot sa mga text at tawag ko sa kanya.

Ngunit palapit palang ako kay Miles ay bigla nang humarang si Ken sa pupuntahan ko at agad nitong nilapitan si Miles at saka inaya na kumain sa labas ng Campus.

" Miles tara, I'll treat you! " sabi ni Ken kay Miles nang naka ngiti.

Hanggang sa laking gulat ko nalang ng makita ko si Miles na ngumiti din ito pabalik kay Ken.

" Okay! " sabi ni Miles habang nakangiti.

Ito ang unang beses na nakita kong ngumiti ng ganito si Miles, parati lang itong naiinis pag ako ang kasama nito. Ngunit nung inaya sya ni Ken na lumabas ay todo ang ngiti nito na kahit kailan ay hindi pa sya ngumiti ng ganito nung ako ang kasama nito.

" What the F*ck! " sabi ko saaking sarili na para bang natatawa nalang sa mga nakikita ko.

Fuck Buddy ( COMPLETED )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora